Tinatawagan ang mga applicants ng 600 square Meter-Homelots sa Sitio Mariwara, Princess Urduja, Narra, Palawan. Hanggang bukas (October 4, 2013) na lamang po ang pagkakataon ninyong mai-submit at kumpletuhin ang mga requirements tulad ng: • Cedula • Certification of Total Landholdings o City Assessor o Provincial Assessor • 2 pcs. 2x2 ID Picture • Brgy. Certification Halos isang taon na rin po kaming nagpaskil tungkol dito sa mga conspicuous places sa inyong Barangay at sa Munisipyo ng Narra at nanawagan sa mga himpilan ng radyo sa ating lalawigan. Kapag nabigo po kayong kumpletuhin ang mga requirements na ito ay mababalewala na po ang inyong application for titling at agad itong ibibigay sa mga kwalipikadong applicants na nasa waitlist ng DAR. Makipag-ugnayan po kayo sa laong madaling panahon sa DAR Municipal Office sa Narra.
Posted on: Thu, 03 Oct 2013 09:25:29 +0000