Title: Humanap na ng iba. Theres this guy na kilala ko since - TopicsExpress



          

Title: Humanap na ng iba. Theres this guy na kilala ko since nung elementary pa ko, schoolmate kasi kami dati. Noon pa lang masasabi kong puppy love ko siya. Hahaha. Ang gwapo kasi niya tapos ang tangkad pa! After so many many many years, nakita ko siya ulit sa ue nung 1styr-2ndsem and now 2ndyr-2ndsem na, crush ko pa din siya. Nung una, indenial pa ko na crush ko talaga siya. Yung tipong sinisigaw ng tropa ko yung pangalan niya kapag dumadaan siya sa hallway tapos tatakbo sila palayo at sakin siya mapapatingin o di kaya sumisigaw sila sa pinto para tawagin siya kapag time na magkatabi yung rooms namin. May time nga na nasa tapat kami ng pinto tapos sinigaw ng pagkalakas-lakas ng MABAIT kong kaibigan yung pangalan niya and to our surprise, lumabas si crush. First time ko siyang naka-eye to eye non!
Posted on: Thu, 21 Nov 2013 10:34:24 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015