Tom at Carla, nangangarag sa dikit-dikit na trabaho! Posible - TopicsExpress



          

Tom at Carla, nangangarag sa dikit-dikit na trabaho! Posible palang pumasok ang mo­vie na Let’s Take A Chance sa Metro Manila Film Festival ngayong December. Kuwento ni Carla Abellana, isa sa mga bida sa LTAC, kinakausap daw ng Regal Films ang pamunuan ng MMFF kung puwedeng ipalit ang mo­vie nila sa nag-back out na movie na Be Careful With My Heart ng Star Cinema. Anyway, kung papa­yag ang MMFF sa pagpasok ng Let’s Take A Chance, siguradong mangangarag sina Carla at Tom Rodriguez. May City Tour kasi ang buong cast ng My Husband’s Lover ngayong October hanggang December. Bale 10 na lugar ang pupuntahan nila para mag-show, na magsisimula nga sa October 12 sa Araneta Coliseum. Ipu-promote rin nila ang kanilang album na puro compilation ng mga songs na ginamit sa kanilang serye ang laman. At bagama’t nakapag-first shooting day na sina Carla at Tom sa kanilang movie, hindi na `yon nasundan dahil nagsimula na rin silang mag-rehearse para sa Araneta at US tour nila. Kung si Carla ang masusunod, wish niya na sa February 2014 na lang ipalabas ang movie nila.
Posted on: Wed, 18 Sep 2013 12:08:07 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015