Top 4 anticancer foods at tips kung paano lulutuin by - TopicsExpress



          

Top 4 anticancer foods at tips kung paano lulutuin by @DocWillieOng LABANAN ANG KANSER AT SAKIT Ni Dr. Willie Ong at Dr. Liza Ong Ito ay ang aming espesyal na ulam ng Top 4 anti-cancer foods. 1. Bawang at sibuyas – Sa pagsusuri, ang mga sibuyas ay malakas pumigil sa paglago ng cancer cells. Ang bawang ay may sangkap na ally sulfides, na tumutulong sa pagsugpo ng kanser sa colon, suso, baga at prostate. 2. Shitake mushrooms -- Ang Shitake mushroom ay may polysaccharides at lentinian, na nagpapalakas sa ating immune system (katawan). 3. Carrots -- Ang madilaw na prutas at gulay ay may taglay na vitamin A at lycopene na tumutulong makaiwas sa kanser. 4. Broccoli o cauliflower -- Ang cabbages tulad ng bok choy, broccoli, cauliflower at brussels sprouts ay may sangkap na sulforaphane, na mabisang panlaban sa kanser. Paraan ng pagluto: 1. Gamitan ng konting mantika lang. Igisa ang bawang at sibuyas. 2. Ilagay na ang half cup ng Shitake mushrooms. 3. Pagkaraan ng 2 minuto, ilagay ang one cup ng hiniwang carrots. Lagyan ng 2 kutsarang oyster sauce at one-fourth na basong tubig. 4. Pagkaraan ng 2 minuto, ilagay na ang two cups ng broccoli. Lagyan ng tubig kapag natutuyo na ang gulay. Maghintay ng 5 minuto hanggang maluto na ang gulay. Panoorin ang Salamat Dok Video dito: (Like and Share po) https://youtube/watch?v=79azCH_kQvg Para sa dagdag tips, like Dr Willie Ongs Health Tips.
Posted on: Sat, 02 Aug 2014 04:17:53 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015