Trobol with the Koreans..finally over!!! Sa bawat pagkakataon na - TopicsExpress



          

Trobol with the Koreans..finally over!!! Sa bawat pagkakataon na kakalabanin natin ang mga SOKOR sa basketbol..una agad pumapasok sa isip ko kung papaano tau pinadapa, pinaiyak at dinurog ng mga ito sa mga nakaraang KNOCKOUT stages Ito ay d na maitatago pa nde dhl sa hindi natin cla kayang pataubin ngunit ngkakataon lng na sa istilo ng mga laro nila.. nakukulangan taung depensahan cla.. mas swabe ang execution ng mga play nila.. kapag kumacut cla siguradong matindi ang cut nla.. pag ng pick cla cguradong may puwang at pag may puwang cgradong titirahan nla tau.. pag tumira cla mas lamang ang papasok. Nung late 80s sa Asian games led by allan caidic at samboy lim.. 103-102 ang score ang akala ng lhat nang tumira c allan caidic ng pampanalong pukol . Nang pumito ang referee.. akala natin ay atin na ang tagumpay .. ngunit ang tawag pla ay Offensive foul.. ito ang unang marka ng pgkabigo natin laban sa sokor.. at d pa don natapos. Isa at kalahating dekada ang ngdaan.. nung 2002 matapos pumukol si dondon hontiveros at olsen racela ng back to back na tres pra sa dalawang puntos na kalamangan.. at nang magmintis ang korean at makuha ni olsen ang reb.. with 14 secs left.. ng akala natin na panalo na ay naging disgrasya pa nang magmintis c racela ng 2 fts at matanggap ni lee sang min ang bola at pumeke sa dalawang defender at mapukol ang bola .. swerteng bumanda at pumasok kasabay ng pagkaubos ng oras.. D rin malilimutan ang kailan lng.. nung 2011.sa wuhan china..para makapasok sa olympic qualifying.. Lamang tayu ng 11pts pagpasok ng 4th qtr..ang malas na outside shooting ng korea ay biglang nagliyab.. kasabay pa ng pagmintis ni kelly williams at marcio lassiter sa mga fts nla..sa desperasyong pukol ni JV casio.. kasabay ng pagkaubos ng oras ay kasabay ding tumigil ang nauna ng celebration ng mga pinoy na parang naging lamay sa katahimikan.. This time.. sa muling pagkakataon.. atin ang homecourt.. kasangga natin ang milyun milyong panatiko.. nde na natin mapapalampas pa ang pagkakataon.. ngunit sa isang banda.. matapos mainjury ang mga key players natin..biglang nakaramdam ng panganib ang mga pinoy sa larong kontrolado ng mga sokor..ngunit sa 3rd qtr.. kinuha natin ang kalamangan at palawigin sa 9pts.. sa tulung tulong na trabaho ng mga GILas.. Ngunit sa pagumpisa ng 4th.. unti unti na nmang pumapasok sa isip ng mga pinoy ang multo ng nakaraan ng sa dakdak ni Lee ay muling lumamang ang sokor.. but this.. marc pingris.. rdo.. jimmy alapag at jayson castro wont let us down..kasabay pa ng matinding butata ni norwood sa d nya matiempuhang c leemingoo..sa malupet na tres ni rdo at jimmy.. d na natin pagbibigyan pa ng dikit na iskor ang sokor.. nde sa harap ng 20 libong fans sa stadium.. nde sa milyung milyong ngdarasal sa kni kanilang bahay pra makapasok sa World stage.. nde para masayang ang sakripisyo ng lahat ng basketbolista sa PInas.. This time tutungo na ang GILAS sa Espanya.. nde sa UST.. kundi sa mismong maalamat na Siyudad ng Madrid Spain.. bitbit ang karangalan na isa sa pinakamagaling sa Asya.. bitbit ang BANDILA NG PILIPINAS na may ningning sa mga mata.. Ito ay nde namin malilimutan.. sabihin ng OA.. pero ito ay higit pang kasiyahan sa naramdaman ko ng mgkampeon ang paborito kong team. Mas higit pa ng manalo c Manny Pacquiao kontra miguel cotto.. Ito sana ay magsilbing inspirasyon nating mga pinoy na sa tindi man ng hirap at pagkabigo natin..lumalaban at nagsusumikap taung lahat ng "BUONG PUSO".. sa ibang bansa man.. o dto sa sarili nating bayan.. PILIPINAs.. kampihan na.. laban natin to..proud to be.. Go Gilas!!!
Posted on: Sun, 11 Aug 2013 01:22:20 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015