URS ng mga kasambahay aarangkada na (Aries Cano) Dalawang linggo - TopicsExpress



          

URS ng mga kasambahay aarangkada na (Aries Cano) Dalawang linggo mula ngayon ay sisimulan na ang Unified Registration System (URS) para sa mga kasambahay kasabay ang pag-assess sa tagumpay ng programa, ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Rosalinda Dimapilis-Baldoz. Ito ay isasagawa matapos na magkasundo ang DOLE, Department of Interior and Local Government (DILG), Pag-IBIG Fund, Social Security System (SSS) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sa implementasyon ng Kasambahay Law. Sa pagpupulong ng mga nabanggit na ahensya ay tinalakay din ang ilang aspeto ng URS kabilang ang paglikha ng interactive web-based facility. “We have all agreed that the URS will be pilot-tested and then rolled out,” pahayag ni Baldoz
Posted on: Mon, 12 Aug 2013 01:26:31 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015