USM, magdiriwang ng kanyang ika-61st Founding Anniversary ngayong - TopicsExpress



          

USM, magdiriwang ng kanyang ika-61st Founding Anniversary ngayong araw (USM, Kabacan, North Cotabato/ October 1, 2013) ---Bubuksan ang 61st Founding Anniversary program ng University of Southern Mindanao sa pamamagitan ng Floral/ Kanduli Offering sa Bai Matabai Plang Marker na nasa loob ng Pamantasan. Ito bilang pagkilala sa nagtatag ng USM na si Bai Hadja Fatima Matabay Plang. Susundan ito ng Anniversary Convocation sa Pres. Asinas Amphitheater alas 7:30 ngayong umaga. Batay sa opisyal na programa na inihanda ng pamunuan ng USM magiging panauhing tagapagsalita sa ika-61 taong pagkakatatag ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao si 2nd District Representative Nancy Catamco. Ang aktibidad ay pinangunahan ni OIC Pres. Atty. Christopher Cabilen. Ang 61st founding anniversary ng USM ay pinamumunuan ngayon ni VP for Academic Affairs Dr. Lorna Valdez. Gagawaran din ng parangal ang mga USM Outstanding Alumni Awardees 2013: sa larangan ng administration: Benjamin John Basilio, Batch 1983, 1994 (BSA, MS) Center Director, Philippine Carabao Center, USM, Kabacan, Cotabato. Sa larangan ng Research: Restituto Granada, Jr., BSA 1985, Senior Assistant Vice President, Tagum Agricultural Development, Co., Inc. Tagum city. Nakasentro ang programa sa temang: Sustaining its Responsibility for Culture-sensitivity, Moral Responsiveness and Global Competitiveness. (Rhoderick Beñez) dxvl949.blogspot/2013/09/usm-magdiriwang-ng-kanyang-ika-61st.html
Posted on: Tue, 01 Oct 2013 02:42:14 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015