Umaasa ang San Mig Coffee Mixers ng isa na namang banner campaign - TopicsExpress



          

Umaasa ang San Mig Coffee Mixers ng isa na namang banner campaign sa bubuksang PBA Governors’ Cup sa August 14. Ayon kay team governor Rene Pardo, importante para sa kanila ang maging healthy ang kanilang mga players. “The long break is really good for us, we were able to rest our players,” wika ni Pardo, na nagsabi ring hindi na sila papasok sa isang malawakang player swap. “Unless may magandang offer na dumating, siguro maintain na kami sa lineup namin,” giit ng mabait na team official. Pero hindi itinanggi ni Pardo ang posibilidad na magpasok sila ng isa o dalawang bagong mukha sa team mula sa free agent market. “Kung trading of marquee players ang tinatanong mo, hindi na kami mag te-trade,” ani Pardo. “Siguro one or two more role players lang ang i-include naming sa roster… then we’re OK,” hirit nito. Sa July 8 ang balik ensayo ng Mixers at dito umaasa si Pardo na balik sa 100 percent na ang kanilang kundisyon at kalusugan. “I am hoping na maging healthy na ulit ang team. Yun ang naging problema namin last conference. We played with a lot of injured players,” paliwanag ni Pardo. Samantala, sa July 25 naman ang takdang dating sa bansa ni import Marqus Blakely. “Gusto sana namin na mas maaga siyang dumating… Kaso nagpaalam siya kay coach Tim, pumayag naman,” kwento ni Pardo. “Wala namang problema kasi kakilala na ni Marqus ang halos lahat ng mga kakampi niya. And sa August 14 pa ang start ng third conference. That’s still enough time,” dagdag pa nito. Sa kanilang intact lineup, isa ang Coffee Mixers sa mga itinuturing na paborito para sa korona ng season ending tournament. Tiwala lang guys ^_^ We will get this Conference ;') Be Optimistic ;-) -Admin Cjay-
Posted on: Sun, 07 Jul 2013 06:31:45 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015