Una nang nanawagan si Bayan Muna partylist Rep. Carlos Zarata sa - TopicsExpress



          

Una nang nanawagan si Bayan Muna partylist Rep. Carlos Zarata sa pag-alis ni Alcala sa puwesto sa gitna ng mga balita ng P457 milyong katiwalian sa importasyon ng bigas at ang ulat mismo ng ahensya ng Bureau of Agricultural Statistics’ (BAS) ng umano’y kakulangan ng 2.5 milyong metriko tonelada sa produksyon ng bigas ngayong taon bunsod ng kabiguan ni Alcala na abutin ang target ng bansa. Maging ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya sa Pilipinas (PAMALAKAYA) at mga ma­ngingisda ay nanawagan na rin ng pagsibak sa puwesto kay Alcala dahil sa pagkakasangkot nito sa Napoles pork barrel fund scam.
Posted on: Mon, 23 Sep 2013 14:12:40 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015