VALEDICTORY ADDRESS JOSEPH M. VILLAFLOR Class Valedictorian S/Y - TopicsExpress



          

VALEDICTORY ADDRESS JOSEPH M. VILLAFLOR Class Valedictorian S/Y 2013 – 2014 “Life is not about the finish line. It is about the journey.” Honored guest, school administrators and faculty, parents, friends, fellow graduates, and to all who are present tonight, good evening! Before anything else ladies and gentlemen, please allow me to speak in TagLish, in order for me to deliver my speech accurately and to let everyone feel the message of it and be inspired of a story written, produced, and directed in a long 4 years journey in high school of a simple child back-then and at this juncture of time standing in front of a lot of people waiting for his inspirational address. Four years ago when we entered the portals of our dearest Alma Mater – The Tandaay Provincial High School. Ito yung mga panahon na parang ayaw pa nating mahiwalay sa ating elementary grades classmates and friends, yun bang may something pang tumutulo sa ilong natin, yun bang feeling natin ay alien tayo sa bagong paaralang ating inaapakan. The way we act, we talk, we utter jokes, and the way we dress up. It is so different. Yun bang nasanay na kasi tayo sa mga terror at nakakatakot na teachers noong elementary, diba? Every move nakikita, every talk nasisita, and every pagkakamali may parusa! (Bato bato sa langit ang tamaa’y wag magalit). We are then curious, tensed and bewildered children. But because of unsuitable intention, not only ours but also of our parents, to study, to acquire knowledge, we were left no choice. No choice na naging dahilan upang mas makilala natin ang ating mga sarili in a new found world. No choice na humubog sa ating pagkatao – espiritwal, moral, intelektwal at sikolohikal. No choice na nagbigay sa atin ng pagkakataon na maranasan ang magtagumpay at mabigo. Ito, ito ang tunay na mukha ng pagiging estudyante ng high school. Mahirap hindi ba batchmates? Pero, dahil dito, look, here we are now, in neatly arranged rows, donning the white caps, ready to face greater magnitude of challenges and about to enter a new horizon of life. Alam naman natin na ang buhay is not the fabled bed of roses, ito’y mahirap at punong-puno ng mga pagsubok. At, ito’y isa sa pinakamahirap tanggapin – ang KATOTOHANAN. But then, kailangan nating tandaan na “The hardest thing to accept is the truth.” However, even how hard it may be, we cannot do otherwise, but accept it, more so, understand it, sa pamamagitan nito ay mas maiintindihan natin ang realidad sa kung gayon ay pangalagaan ito upang maging mas malinaw at mabuti ang ating hinaharap, at mare-realize natin na ang buhay bilang pinakaimportanteng regalo na hinubog ng pagmamahal ng ating Maylikha ay walang kasing ganda. As we look back and reflect on the pieces of our pasts, we can recall the countless times when we were challenged and threatened, when we had stumbled and failed. There will always be flashback of instances na tayo’y pinahiya’t napahiya, binalewala, napagalitan, pinagtawanan, at minaliit. Mga panahong akala nati’y guguho na ang ating mundo dahil sa mapanghusga’t mapangmatang lipunan. Mga oras na akala natin sa ating sarili’y wala na tayong halaga at isa lamang tayo sa mga damong imbes na nagpapaganda sa mga bulaklak ay patuloy pa ring nakakasira’t nagdudulot ng kapangitan dito. Ito rin yung mga panahon na alam nating masakit na at gustong-gusto na nating umiyak pero pinipigilan natin upang ipakita sa kanila na tayo’y matatag at iwasan ang kahihiyan. Mga panahon at sandaling hihiwalay tayo sa ating barkada at tayo’y tatanungin “Anong nangyari sayo?” pero sasabihin nalang nating “Wala, okay lang ako”. Pero deep down inside ay gusto na nating pumutok sa galit, kahihiyan at pagdaramdam. Uupo sa isang sulok at magmumuni-muni at doon, doon tayo makakahanap ng inner peace na ating hinahanap. Ito yung mga sandaling hindi natin sukat-akalaing mangyayari, kumbaga sa teleserye, yun bang hindi scripted, ito! Ito yung talagang dudurog sa ating puso at magiging dahilan ng pagkatalo. Pagkatalo kanino? Sa iyong sarili, sa aking sarili! Sapagkat pinairal na naman natin ang kahinaan ng loob. These were the times when we were prevailed by weakness, instead of mustering the needed courage, times that we were subdued by frustration and anxiety rather than acquiring strength. AHH… This could be the dark side of life, yet it is still LIFE. Indeed, there will be moments of trial and difficult, and the road further will be rough and bumpy, pero kailangan nating maniwala na ang tamang pagpupursige, kakayahan, talino, at diskarte na naiambag sa atin sa loob ng apat na taon na pananatili’t pagpapabalik-balik sa apat na sulok ng silid-aralan ng Tandaay High School will provide us with the appropriate tolls to overcome all of these travails, and ultimately make us strong, brave and courageous as we enter into the real world and all its challenges lying ahead. To you dear Alma Mater, school administration, members of the faculty and all the rest of the staff, we’d like to extend our sincerest appreciation for having molded us into knowledgeable, disciplined, compassionate, and responsible youth, and gradually imbued on us the proper values needed as we are about to join the mainstream of the society and unto the next millennium. Thank you sa lahat ng pananalita, pakikialam, pagpapamukha ng aming masasamang ugali, pagbabawal sa ibang ninanais namin – sa pamamagitan nito’y mas naging matibay kami and it urges us to be stronger to realize that we were wrong. Gracias for all the knowledge, values, laughter, and moments you’ve imparted with us. Kayo yung masasabi naming ‘Teachers who we want to be our teachers again’. You have instilled in our minds that age doesn’t matter, dahil pati sa mga kabaliwan ay fight na fight kayo at hindi hadlang ang agwat ng ating mga edad upang kayo’y maging malapit na kaibigan. Ang teacher – student relationship ay naging parent/friend/life-coach/preacher/etc. etc. – student relationship. #TheBestTeachersEver! To our dear parents, we will offer our heartfelt thanks and gratitude for your undaunted sacrifices and unwavering patience for inculcating in us our ambitious spirits. Sa mga panahong nangungutang kayo para lang may baon kami sa pagpasok sa paaralan. Sa mga oras na iginugugol niyo upang maghanda ng agahan, tanghalian, at hapunan, na sa bawat pagkain namin nito’y ramdam namin ang pagmamahal na nanunuot sa bawat butil ng kanin at bawat kagat sa ulam. May magic kayo aming mga magulang. Na sa bawat meeting ay aligaga kayo upang umattend kahit na isama pa ang paslit na sobrang kulit. At sa bawat tagumpay na aming naaabot sa loob at labas ng paaralan, kayo’y bahagi nito at siyang dapat parangalan. Mga magulang namin, mga dakilang ilaw at haligi ng tahanan, ang pagsaludo’y, aming sa inyo’y iniaalay. And as we graduate in this institution, let it be that our dreams are your dreams, and your dreams are our dreams. #TheBestParentsEver! To my fellow graduates, it is safe to say that … Some of us are fortunate and privileged enough to go straight to college in the big metropolis and choose the best schools. But, I think it will not be wrong to say, that there are those who cannot afford to pursue their college studies or enroll in better schools. Pero, it is not a hindrance to have a better and brighter future. We may not be lucky to step into the corridors of a university for our college studies, but we can make life to the fullest, isn’t it? We can take it as our aspiration to work hard to earn money and right after choose whatever course we want. And contradictory to my thoughts which is very much true to the reality, that not all of us can have a better living in the near future. Yet, as far as our knowledge are concerned, all of us graduates are equipped with the skills and learning inculcated by our dearest Alma Mater, malay natin one of us will be the next President of the next President right after the next President of our country! Hindi malayong mangyari iyon kung itatatak natin sa ating puso’t isipan ang DETERMINATION, SKILLS, KNOWLEDGE, and BRAVERY honed by Tandaay High School. Wag na wag sana nating sayangin ang pagkakataon, dahil kung papalipasin natin ito ay panghihinayangan natin ang mga bagay na sana’y meron tayo ngayon. Kailangan nating pag isipan kung sisimulan o tatapusin na natin ang isang bagay, dahil kung magdedesisyon tayo ng basta-basta o ura-urada ay tiyak na panghihinayangan natin kung ano man ang nawala sa atin. Na darating sa punto na maiisip na lamang natin na tayo’y nagkamali sa ating pinili kapag naranasan na natin ang pait ng desisyong akala nati’y makakatulong at makakabuti sa atin. But anyways, my point here is that we need to be a hundred percent sure in making decisions in our lives, because what we do now will reflect on our future. For you, for all of us. #TheBestBatchEver! Success in high school life is a lifetime achievement we will reminisce from time to time. Yet, this success we conquered today ay hindi ang sukatan upang maging matagumpay in the future. Hindi man natin naabot ang inaasam nating rank o posisyon ay hindi ito hadlang upang maabot ang ating pinapangarap na mga hangarin sa buhay. Malayo pa ang daang ating tatahakin. Marami pang pagsubok ang ating kakaharapin. May mga bago pang kaibigang kikilalanin. Kumbaga, ito ay simula pa lamang ng isang bagong pakikipagsapalaran. Huwag mangamba, huwag mabahala. Tandaan natin ang katagang minsang binitawan ni Vice Ganda: Mula araw hanggang gabi, Diyos ang ating kakampi. Bukas na ang mas malaking mundo. Halina at tayo ay humayo. P.S. Taos puso kong pinasasalamatan ang mga taong naging inspirasyon at gabay ko sa pagsulat nitong aking talumpati: Mga nagsipagtapos sa unang pwesto mula sa JBC at Ateneo, aking mga magulang na tumanggap sa kung ano at sino ako, mga kapatid na walang sawa ang suporta sa akin, mga kaibigan na palagi kong kasama sa kakulitan, kahibangan, kadramahan at kabaliwan, mga guro na nagturo sa akin ng napakarami higit pa sa isang guro, sa aming tagapayo na si Sir Art na hindi ako iniwan sa ere ano man ang nangyari at nagbigay inspirasyon sa akin upang maabot sa kung saan ako ngayon, My Ultimate Taga-Asar Ever na nagturo sa akin on how to keep on holding on something I really truly want. Isama narin natin ang mga taong patuloy na nagagalit sa akin, nanghusga sa aking pagkatao’t kakayahan, sa lahat ng nagpahiya, nangmaliit sa akin at pinagtawanan ako, sa mga taong patuloy ang paninira sa akin at sa aking pamilya, salamat po at nagmumukha kaming artista sa dami ng chismis na inyong ikinakalat. At higit sa lahat, ang Poong Maykapal na nagbigay sa akin ng lahat ng talento at talinong aking napakinabangan at nalinang sa tulong ng mga taong aking nabanggit. Sa inyong lahat, maraming maraming maraming Thank You po! Once again, a pleasant evening to you dear listeners, most especially to my fellow graduates, CONGRATULATIONS and cheers to all of us! #TheBestEndingEver!
Posted on: Mon, 31 Mar 2014 10:10:52 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015