Via GMA NEWS Mga kalamidad, pagsubok nga ba sa pananampalataya - TopicsExpress



          

Via GMA NEWS Mga kalamidad, pagsubok nga ba sa pananampalataya ng mga Pinoy? Ikinukonsidera ng Simbahang Katoliko na matinding pagsubok sa pananampalata ng mga Filipino ang nagdaang mga kalamidad sa bansa tulad ng lindol at pananalasa ng bagyong Yolanda. Sa pastoral statement na nilagdaan ni Cebu archbishop Jose Palma, outgoing president ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), sinabi nito na dapat na may makapulot ding aral ang mga tao sa nangyaring mga trahedya. Indeed the twin calamities have tested severely our faith. Yet, even now, we believe we shall emerge from their situations with more awareness of the pattern of nature and hopefully learn its lessons, pahayag ng arsobispo nitong Sabado. Dagdag pa niya sa pahayag, By strengthening the systems and institutions that mitigate the effects of these forces of nature, we can avoid the recurrence of the present tragedy. Ang Pilipinas ang itinuturing largest Catholic Asian nation, at pang-lima sa mundo na may pinakamaraming populasyon ng Katoliko. Ang pastoral statement ng CBCP ay inilabas sa disperas ng Solemnity of Christ the King sa Linggo. Sa pagtama ng lindol noong nakaraang Oktubre, tinatayang nasa 200 katao ang nasawi sa lindol sa Cebu at Bohol na matinding naapektuhan ng pagyanig ng lupa. Nasundan naman ito ng pananalasa ng bagyong Yolanda sa Visayas region noong Nobyembre 8, kung saan mahigit 5,000 katao na ang naitalang nasawi. Ayon kay Palma, walang salita na maaaring gamitin para mailarawan ang kalungkutang nadarama ng mga biktima ng mga kalamidad sa Bohol, Cebu, Leyte at Samar. The calamities have tested our spirit as a community, anang arsobispo na naniniwalang makababangon mula ang mga Pilipino dahil sa katatagan nito. Gayunman, sinabi niya na dapat manatili ang pananampalataya sa Diyos at tulungan ang bawat isa ng mga Pilipino. Once again we treasure the precious gift of faith. It will not falter; we shall overcome adversities with charity. As we pray we shall rise with courage and renewed hope for the future, saad niya sa pahayag. Signs of their indomitable spirit can be seen everywhere. People from safer areas flocking to devastated places bearing food, water, medicine and other relief goods to help the survivors. Homes and communities opening their gates and doors to welcome evacuees and care for those who have taken refuge, dagdag niya. Cash for Work Samantala, inihayag naman ng Archdiocese of Palo Leyte ang isasagawang cash for work program ng simbahan sa Tacloban city para matulungan ang mga sinalanta ng bagyong Yolanda. Sinabi ni Msgr. Alex Opiniano, parish priest ng Sto. Nino Parish sa Tacloban city, na mayroong katuwang na mga organisasyon ang Simbahan sa kanilang layunin na matulungan ang mga biktima ng bagyo. Tinataya ni Msgr. Opiniano na may 2,000 residente sa Tacloban ang maaaring isama sa cash for work program kung saan babayaran sila ng P500 bawat araw upang tumulong sa paglilinis sa kanilang lugar. Bukod dito, tinatayang nasa 200,000 nasalanta naman ng bagyo ang nahandugan ng pagkain ng Simbahan, bukod pa sa cash at relief goods na nagmula sa Caritas Manila, at medical mission para pa rin sa mga biktima ni Yolanda. “Sa ngayon ang focus ng services ng Simbahan ang relief goods distribution, medical services at iba pang tulong na maibibigay sa mga kakabayan natin in coordination with other organization and foundation,” bahagi ng pahayag ni Msgr. Opiniano sa panayam ng Radio Veritas. -- MP/FRJ, GMA NEWS Admin kate
Posted on: Tue, 26 Nov 2013 11:40:05 +0000

Trending Topics



;">
Jó 8 - 1. ENTÃO respondendo Bildade o suíta, disse: 2. Até

Recently Viewed Topics




© 2015