WATTPAD CONFESSION #107 DAHIL SA PAKIKISAMA Inaamin ko na - TopicsExpress



          

WATTPAD CONFESSION #107 DAHIL SA PAKIKISAMA Inaamin ko na hindi ako nagbabasa ng tagalog stories. Dapat nga english lahat ng story ko kahit mali mali grammar, alam ko naman kasing may mga foreigners na tiyak mag kicritic sa gawa ko. Nasa Wattpad English kasi ako nag simula. Ayoko sa tagalog story pero dahil sa pakikisama, nagbasa ako and ang pinaka una kong nabasang mga tagalog story ay ung mga katniel na puro spaces pa, ung iba may emoticon pa nga. Imbyerna di ba? But then somehow I enjoyed the journey of the stories, kasi ako ung klase ng tao na ung story ung sinusundan, not the way it was typed. Dahil sa pakikisama ng mapadpad ako dun sa forum na para sa mga newbies na pinoy, pinatos ko ung fan for fan for a week, just to gain friends. Dun ko nakilala ang mga kaibigan ko ngayon. Hanggang sa pati rantings bashing nakita kong umusbong ang mga ito. Nakita ko ang ibat ibang personalidad. May mga sassy... classic Butchesa. mga fake, mga feelers, pa mysteryoso, famewhores...REKLAMADOR AT RULE/LAW VIOLATORS at mga tulad ni patrick na nakatira sa ilalim ng bato kaya di alam kung san lupalop hinugot ang isip, sa talampakan. HARSH BA? Mas harsh ung iba, bleh! Pero un nga, dahil sa pakikisama, nagbibigay ako ng link ng story KO, kinakantahan KO ang mga kaibigan KO, nagpopost ako ng pictures KO, I EVEN MADE MYSELF AS MEME dahil maraming natutuwa na GUSTO AKO/Mahal ako (kahit papano). NAMRUBLEMA SA CHARACTERS na may facebook (poser daw), KAYA NAISIPANG AKO NA LANG MISMO ANG MAGING BIDA SA SARILI KONG STORY instead of mga artista. Hindi ako sikat na writer at hindi rin ako magaling, nagbibigay ako ng criticism sa mga nanghihingi lang at ung mga basic na alam kong papatok take it or leave it pa. Hindi ako pro na singer pero dahil sa pag post ko ng ilang kanta may nainspire din mag post ng kanya. Gumagawa ng cover kahit pachuchu lang dyan kasi ung iba walang artistic side. Nangaaway para mantrip. I know, bad... pero minsan for a good cause and a GREAT reason behind. Ranter din dahil sa dami dami ng problemang minsan instead na maresolba, maiiwan lang sa ere tas babalik balikan, HALA SIGE! At naging Admin ako ng mga groups na wattpad related na nababash dahil STRICT DAW at saka syempre mawawala ba ung SIPSIP SA AUTHOR DAHIL TINUTULUNGAN WAG MAPALAGANAP UNG STORY NYA AS SOFTCOPY NA PEDENG IEDIT AT MANAKAW. By then I was tagged by many na nagagalit dahil sa pagiging hard ko sa kanila KASI... FAMEWHORE ako. Ok. fine Famewhore kung famewhore. Dahil sa pakikisama, at sabi niyo nga, bawal ang fake. Oh di yan... FAMEWHORE NA KO. Kung kilala niyo ko? Paki like page ko. CHAROT Nang dahil sa pakikisama, nakaranas akong tumalon sa bangin para lang ipagtanggol ang alam kong naagrabyado dahil alam kong wala rin naman ibang tutulong kundi tayo tayo lang din na wattpad users. Pero minsan, mas mabuting mag kibit balikat, magngitngit ng ngipin at humingang malalim. Nasa mundo tayo ng puno ng mga bagay na mabuti ngunit ginagamit sa masama at MINAMASAMA. Pero pwede pa din tayo gumawa para gamitin naman natin ulit ang mga ito sa mabuti, at magpasaya ng iba. Paki antay na lang ang message mula sa WATTPAD JUSTICE LEAGUE, kung illegal distributor ka ng soft copies ha?. Labyu. Hulaan niyo~ Nagmamahal, Peymhur. \m/
Posted on: Tue, 03 Dec 2013 13:02:11 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015