WATTPAD CONFESSION #67 Clue: Mahilig ako sa Secrets Isa - TopicsExpress



          

WATTPAD CONFESSION #67 Clue: Mahilig ako sa Secrets Isa akong handler ng isang character sa wattpad. Siguro sabihin na nating madamot ako kaya gusto ko akin lang yung account ko at syempre pasaway din ako. Kaya ako napapagsabihan ng madalas dahil sa hindi ko pagsunod sa mga rules na tinatawag kasi promise hindi madali maging handler based on experience madami akong account pero may isa akong account na sobrang mahal. Itong sasabihin ko isang hinanakit na matagal ko ng tinatago. Isang hinanakit na minsan gusto kong sabihin sa may gawa ng character ko kaso natatakot ako yeah takot ako. Sa tagal ko ng handler madami nang nagyare sa akin sa account na iyon kaya siguro hindi ko mabitiwan pero may isang insidenteng bibitaw na sana ako right on the spot. May isang bagay kasing nagawa ang aming author parang sampal yun sa mukha kong ayaw niya nga sa akin, kung ayaw man niya sa akin hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sa madalas akong nasasangkot sa gulong hindi ko naman ginusto. Yung bagay na iyon sobrang sakit para sakin kasi sabihin na nating dedikado ako sa pag hahandler ko, yung account ko kasi ang naging takbuhan ko kapag masyadong hard sakin ang tunay na mundo at isa pa masayang magpasaya ng tao. Masakit din kasi siguro dahil sobra sobra ang pagtitingala ko sa kanya ang ganda kasi ng mga sulat niya at ayaw kong ma disappoint siya pero parang yun ung ginagawa ko all the time. Yung ginawa niya ayoko na lang bangitin pero nasaktan ako kasi parang lahat ng effort nagawa ko na para sa account kong iyon pero parang yung mali ko na lamang ang nakikita niya. Ni minsan hindi man lang niya natanong kung kamusta na ba ang pag hahandle ko sa account na yun deretso na sa mali ko. Hindi ko naman siya pwedeng husgahan ng basta basta dahil na din sa nirerespeto ko siya at sa masakit na katotohanang hindi niya ako kaclose. Masamang husgahan ang taong hindi mo kilala yun ang isa sa mga pananaw ko sa buhay. Nahihiya din ako mag demand na pansinin niya ako kasi una sa lahat ako din naman ang nagpresenta ng sarili ko maging handler dahil na din sa sobrang pagkahumaling ko sa kwentong ginawa niya at baka magmumukha pa kong KSP pag kinausap ko siya parati. May hinanakit pa din akong kinikimkim pero nagpapasalmat na lamang ako sa lahat ng sumusuporta sakin kahit na minsan parang hindi ako deserving. Salamat readers ~black cat
Posted on: Tue, 03 Dec 2013 10:42:20 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015