Walang Pinoy victim sa pamamaril sa military facility Septyembre - TopicsExpress



          

Walang Pinoy victim sa pamamaril sa military facility Septyembre 18, 2013 Abante News Patuloy na inaalam ng Philippine Embassy sa Washington D.C. kung mayroong Filipino na kabilang sa mga biktima ng karumal-dumal na insidente ng pamamaril sa loob ng isang military facility kung saan 13 katao ang natodas at walo ang nasugatan. Kasabay nito ay ipinaabot din ng PHL Embassy ang pakikiramay ng gobyerno ng Pilipinas sa mga pamilya ng lahat ng mga biktima. Nangyari ang walang habas na pamamaril sa Washington Navy Yard sa Southeast Washington D.C. partikular sa loob ng headquarters ng Naval Sea Systems Command. Bagama’t wala pang naiuulat na Filipino casualties sa naganap na mass shooting, inihayag ni Ambassador Jose Cuisia na gustong tiyakin ng PHL Embassy at makumpirmang walang kababayan na nagtatrabaho sa Navy Yard ang nasawi o nasaktan. Hindi pa matukoy kung gaano karami ang mga Pinoy na nagtatrabaho sa base bilang mga naval officer at enlisted personnel gayundin ang mga civilian employee at private contractor. Nakilala ang gunman na si Aaron Alexis, 34-anyos, dating Navy enlisted mula sa Fort Worth, Texas. Tumimbuwang din si Alexis sa pakikipagpalitan ng putok sa mga rumespondeng pulis. OFW FANATIC
Posted on: Tue, 17 Sep 2013 23:40:40 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015