Wanted na rapist, tiklo by Roger Panizal Oct 1, 2013 12:54pm - TopicsExpress



          

Wanted na rapist, tiklo by Roger Panizal Oct 1, 2013 12:54pm HKT NATIKLO ng mga tauhan ng Navotas City Police warrant section ang 18-anyos na binatang rapist Lunes ng umaga, Sept. 30, sa Brgy. Bangkulasi, Navotas City. Kinilala ang suspek na si Junmar Riego y Fernandez, 18, binata, ng Interior Galicia St., ng nasabing baragay. Ayon sa ulat ganap na alas 8:25 ng umaga ng madakip ang suspek sa kanilang lugar sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Emamanuel D. Laurea ng Malabon Regional Trial Court Bbranch 169. Nauna rito, nakatanggap ng tawag ang tanggapan ni Sr.Supt. Conrado Gongon, hepe ng pulis, mula sa kamag-anak ng biktima hingil sa paglutang ng suspek kaya agad inatasan ang warrant section sa pangunguna ni Sp01 Jesus Del Fierro at naaresto ang suspek. Base sa record ng korte, kinasuhan ng mga kamag-anak ng biktima si Junmar ng rape in relation to RA 7610 at may ilang taon na itong nagtatago. admin chiz
Posted on: Tue, 01 Oct 2013 05:19:13 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015