Wattpad Boys: Ephraim By EijeiMeyou [WB: Eph16] Ashley’s - TopicsExpress



          

Wattpad Boys: Ephraim By EijeiMeyou [WB: Eph16] Ashley’s POV “Magko-kotse ba tayo?” tanong sa akin ni Zie habang naghahalughog siya sa bag niya, papalabas na kami ng bahay nun. She’s simple and so do I. para sa akin, mas maganda siyang tignan kapag simple lang ang make-up pati ng damit. “No.” “Anong sasakyan natin? Commute? Sa simpleng ganda kong ‘to, pagji-jeep’in mo ako?” Napapangiting napapailing ako. Paglabas namin ng bahay ay nakita ko sina Ethan at Eph dala ang sari-sariling kotse. Yun ang dahilan kung bakit di ako magdadala ng sariling sasakyan. Di nga lang alam ni Zie na susunduin kami ng ‘date’ namin. “Hello, Juliet ko,” nakangiting bati sa akin ni Eph. “Ayon, oh, binata na si totoy,” pambubuska ni Ethan kay Eph bago humarap sa amin, “Ashley, di pa ba lalabas yung kaibigan mong Christmas tree?” “Ha?” ako man ay naguluhan. Naramadaman ko namang bumaon ang mga kuko ni Zie sa braso ko. Ngayon, alam ko na kung ano ang ibig sabihin ni Ethan. Hindi niya namukhaan si Zie. “May kasama ka din pala, maganda siya, ha? Hi, miss,” kumindat pa si Ethan sa katabi ko---not knowing na siya si Zie. Narinig ko ang pagtawa ni Eph, mukhang kilala na niya ang kasama ko. “Walanghiya kang lalake ka, sabi mong di ka tumitingin sa ibang babae tapos ngayon tinawag mo pa akong babaeng Christmas tree? Makipag-lamon ka mag-isa mo!” isa-isang naglabas ng mga gamit sa bag si Zie. Kawawang mga make-up at lipstick, at kawawang Ethan na mukhang hindi napaghandaan yun. “Zie?” nanlalaki ang mga mata ni Ethan. “Sino pa ba?! Magpapalit na nga lang ako, Ashley, sabi na nga ba’t di ako maganda sa suot kong ‘to!” nakita kong nangilid ang luha sa mga mata ni Zie. Hindi naman ako makapagsalita kasi nagpatuloy siya sa pagdadaldal. “Tara na, kung hihintayin pa natin ang dalawang yan, baka di na tayo matirhan ng pagkain doon,” hinila ako ni Eph sa pagitan nina Ethan at Zie. Patuloy lang sa pagbabangayan ang dalawa habang kami, patalilis na. Pinagbuksan muna ako ng pinto ni EPh bago siya umikot at umupo sa driver’s seat. Wala kaming imikan habang nasa daan, patingin-tingin lang ako sa kanya ng lihim at ewan ko kung napapansin niya iyon. “Why?” “Huh?” lumikot ang mga mata ko at sa huli’y tumingin na lang sa labas ng bintana at parang nakakita ng napakainteresanteng bagay doon. “You know a woman’s in love if she’s looking to you every now and then,” sabi niya. Bakas ang saya sa boses niya, “yun ang sabi ng mommy ko, is it true?” “A-Ano?” I don’t know what to say. “You don’t have to rush,” naramdaman kong hinawakan niya ang isang kamay ko, “I can wait just like what Romeo did to Juliet.” Umikot ako paharap sa kanya. “Are you really serious? Alam mo na,” nagkibit-balikat ako. hindi ko naman kasi mahanap ang tamang salita para i-describe ang kung anong nararamdaman ko para sa kanya. “Nagdadalawang-isip ka pa rin ba?” tumingin siya saglit sa akin pagkuwan ay binalik din ang paningin sa daan, “I’ve never been too serious in my life.” “Alam mo bang nag-iipon ang mga langgam ng kakainin nila pagdating ng tag-ulan?” actually, isa iyong halimbawa ng papa ko sa amin ni Vhea bago nila kami iwan at napagdesisyunang manirahan sa probinsiya. “Oo alam ko pero di ko alam paano nun masasagot ang tanong ko.” “Kunwari, ako ay isang langgam. Ang pagkain na iniipon ko ay ang mga masasayang alaala. Para kapag dumating man ang unos na katumbas ng mga pagsubok ay hindi agad ako bibitaw kasi may pag-asa pa ako---ang mga alaalang naipon ko bago dumating ang kalungkutan." “That made sense.” “So, is my Romeo still willing to wait?” Tumango siya sa akin at ngumiti. Nagpatuloy siya sa pagmamaneho. I don’t know what’s the score between us, the only think I knew is I don’t want this moment to end. “This is the house of Amiel,” wika niya nang papasok na kami sa isang magarang gate. Ni hindi ko namalayang nakarating na pala kami. “This was supposed to be his date with Karylle only pero umepal na naman si Francis, JM, at Raph, gusto daw nilang mapanood ang date---first date---ni bunso. So, para hindi tuluyang masira ang date na ‘to, we all decided to go. Mahirap na hayaan ang tatlong iyon. How I hope, lahat kami may date ngayon.” Pagkababa namin ay nakita ko agad sina Xhin at Francis na pinag-aaralan ang bonsai sa may gilid ng driveway. “Hi, Ash! Ang cute nitong bonsai ni Amiel, oh, matagal na namin tong inoobserbahan pero di talaga siya lumalaki,” hinimas pa ni Francis ang baba niya. “Wag mong pakinggan yan, may pagka-timang lang talaga sila madalas,” hinawakan ni Eph ang baywang ko at giniya papasok sa loob ng bahay. Kumaway na lang ako sa dalawa bago tuluyang sumama kay Eph. “Hi, Eph!” bati ng isang magandang babae. Mabait ang itsura niya at parang hindi makabasag ng pinggan. “Hi, Karylle, si Amiel?” Oh, Karylle. Siya pala yung babaeng nagpapataranta kay Amiel. Ngumiti na lang ako. “Sa garden, doon yata tayo kakain,” pagkuwan ay lumapit siya kay Eph at medyo hininaan ang boses, “you’ll see Francis’ date there, ang arte niya. All of the boys dates are there,” tumingin siya sa akin, “you must be Ashley? Oh, EPh, how rude of you. Di mo kami pinakilala sa isa’t-isa! And how rude of me din, hi, I’m Karylle,” nilahad niya ang palad niya sa akin. “Ashley Tejeros,” tinanggap ko yun. “Come with me, papakilala kita sa ibang girls, except doon sa date ni Francis, I don’t like her so better not like her na din, Eph, I’ll borrow Ashley na lang muna,” hinila na niya ako palayo kay Eph. Tinanguan ko na lang siya at nagpatianod kay Karylle. “Ew! Ang daming flies! Ugh, asan na ba si Francis?” “See? Ang arte, di ba? Kung pwede lang sanang pakainin ko siya ng nagbabagang uling, ginawa ko na,” nakasimangot na bulong sa akin ni Karylle. Halata nga ang pagkainis niya sa babae. “She’s Heidi, anak ng mayor, yun, Francis needs her para mapapirma ang father niya sa isang business contract.” “Oh,” pinagmasdan ko si Heidi, hindi siya yung tipo ng babaeng makakasundo ko agad-agad. “Siya lang ang nakahiwalay sa amin, dun tayo,” giniya niya ako sa long table malapit sa pool, medyo lilim ang lugar na iyon. Nakita ko ang tatlong babae na nagtatawanan tapos may isang batang lalake din edad anim hanggang walo. “Hi, girls! Meet ‘Ashley,’ Eph’s woman.” “So, you’re the woman of the hour? ‘Lucy’, Raph’s date, and this is Una, si Xhin naman, and Khloe, JM’s girl.” “Yuck, hindi ako babae ni JM, nuh!” “Shut up, Khloe, you are.” “Lucy, wag na kasing pilitin si Khloe kung ayaw pang amin.” “Oh, really, Una? So, kayo na ba ni Xhin,” sali ni Karylle. Sunud-sunod na namula ang mga mukha nila habang napasama ako sa pagtawa ni Karylle at Lucy. “Ashley, sa ngayon, kayo pa lang ang may malinaw na relasyon sa pitong magkakaibigan, are you like planning to have a, you know, wedding?” pang-iintriga ni Lucy. “Ha? Hindi pa kami nagkakausap---“ “Kow. I hear chickens, shut up, girl, I can see it in your eyes, and his eyes,” may tinuro pa siya. Tumingin ako sa tinuro niya, si Eph na nakapamulsa habang nakikipagtawanan kina Francis at JM. Naramdaman siguro ni Eph na nakatingin na kaming lahat sa kaniya kaya pinalig niya ang ulo niya. Nag-eye-to-eye kami, ngumiti siya sa akin at gumanti naman ako, automatic ang pagganti ko, ni hindi ko namalayang nakikipagngitian na pala ako. “See?” “Ha?” bumalik ang pansin ko sa mga babaeng kasama ko ngayon. “Got yah, we’ll be your bride’s maids.”
Posted on: Sat, 27 Jul 2013 09:41:01 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015