Wattpad Boys: Ephraim By EijeiMeyou [WB: Eph17] Eph’s - TopicsExpress



          

Wattpad Boys: Ephraim By EijeiMeyou [WB: Eph17] Eph’s POV Pagkalayo nina Karylle at Ashley ay siya namang paglapit sa akin nina Francis at JM buhat-buhat ang paso ng bonsai na kanina lang ay tinitignan nila sa labas ng bahay. “Hoy, aanhin niyo yan?” tanong ko sa kanila. “Iuuwi ko,” sabi ni JM. “Bro, ako ang bumuhat so ako ang mag-uuwi,” nilayo pa ni Francis ang paso kay JM. “Ako ang unang nakakita.” “Ako ang unang nagsalita.” “Walang mag-uuwi niyan,” kinuha ko yun kay Francis at pilit na nilalayo. “Aanhin niyo yang bonsai ko?” Napalingon kaming tatlo, nakita namin si Amiel na papalapit kasama si Raph. “Si Eph,” tinuro pa ako ni Francis at JM, “iuuwi daw ang bonsai.” “Aba, magagaling kayo,” at binigyan ko sila ng tig-isang kutos, “ako pa ang tinuro niyo, eh, kayo nga tong balak maghati kanina,” binigay ko kay Amiel ang bonsai na binaba lang naman niya sa isang tabi, “kung ako sa iyo, itago mo na yang mga bonsai mo kung ayaw mong kidnap’in ng dalawang ‘to.” “Kidnap? Bonsainap?” “Wow, JM, ilang segundo mong pinag-isipan ang joke na yun?” “1.5? Ayos ba, Francis?” “Oo! Naiisip mo ba ang naiisip ko?” “Hmm, hmm,” binatukan ko naman sila ngayon, kahit kailan talaga, di na sila natahimik. “Dun na nga tayo, gutom na ako, eh,” reklamo ni Raph. Pero pagdating naman namin dun ay hindi agad kami kumain kasi napansin naming nagsisiyahan pa ang mga babae sa pag-uusap. “Sino yun?” tanong ko kay Francis habang nakanguso sa isang babaeng panay ang paypay at bugaw sa mga nagliliparang langaw sa tabi niya. “My date.” “Bumaba ang criteria ni Francis,” puna ni Xhin. “Ulol, anak yan ng mayor.” Sabi ko na nga ba, hindi naman magdadala ng date si Francis na walang dahilan o benefit, eh. Kung hindi anak ng businessman gaya niya, anak ng mayor, gobernador, pamangkin ng pulitiko o kung anu-ano pa. ganun kagaling ang taktika ni Francis. May naka-date na siya, may mapapapirmahan pa siyang kontrata. Nagtawanan kami. “Uy, Eph, si Ashley, oh, nakatingin sa iyo,” siniko ako ni Raph, “ganun din si Karylle sa yo, oh, Amiel.” Nakangiting tumingin ako kina Ashley, lahat yata sila nakatingin sa amin pero tumutok lang ang mata ko sa kanya. I smiled at her and she smiled back. “I hear wedding bells...” “Malayo ang simbahan dito, JM, nananaginip ka lang.” “Panira ka talaga, Raph. Punta na nga lang ako kay Claw, baka miss na niya ako,” nauna na siyang lumapit sa mga babae pero gaya ng inaasahan, isang matalim na irap lang ang natanggap niya mula kay Khloe. “Don’t touch me,” nakarinig kami ng isang tili mula sa loob ng bahay. “Ang arte mo pa rin,” boses yun ni Ethan. “Ah, me? Maarte? No! I’m not maarte!” “Gusto ko na siya,” narinig naming bigkas ni Lucy. Sa katunayan, isang milyonarya si Lucy, isang sosyalera kaya nakapagtatakang nagustuhan siya ni Raph. Well, I have nothing against their relationship kasi parang ganun din naman kami ni Ashley. Speaking of Ashley, tumingin ako sa kanya. Nagkibit-balikat siya sa akin. Sanay naman na kasi kami sa aso’t pusang bangayan nina Ethan at ni Zie. “Sabing don’t touch---ah!” lahat kami ay nanlaki ang mga mata nang mapatid si Zie sa nakausling kahoy doon. “Ang arte kasi,” buti na lang at mabilis ang reflexes ni Ethan at nasalo si Zie. Nakita namin kung paano sila nagtitigan at di namin maiwasang hindi mapangiti sa kanila. Lumapit ako kay Ashley at pinaikot ang kamay sa balakang niya, pagkuwan ay nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya at bumulong, “they’re meant for each other. Just like us---aw,” I chuckled. “Ssh, alam mo namang ayaw nilang nali-link sa isa’t isa.” “Eherm, may dalawa diyan, palihim pa.” Tumingin kaming lahat kay Francis just to know na kami na pala ang pinaparinggan. “Mind your own business, Francis,” I rolled my eyes upward. “How can I mind my own business? Nag-walk out na, yun, oh,” at nginuso pa niya ang babaeng papalayo na ng garden. “You’re rude,” napailing pa si Raph. “No, Francis’ nice to drive that girl away,” nakataas ang isang kilay na pakli ni Lucy at pinasadahan ng masamang tingin si Raph, “you’re looking at her, I saw you. I saw how you watch her sway her waist!” “This is not good,” bulong ko ulit kay Ashley. “Buti na lang, di selosa ang Claw ko,” bumanat na naman si JM at akmang yayakapin si Khloe pero sa kasamaang palad, sinalo ng palad ni Khloe ang pagmumukha ni JM. “Nakita rin kita na pinagnanasahan mo kanina yung legs ng babaeng yun,” bintang din niya kay JM. “Hindi, ah,” nanlalaki ang mga mata niya at kasunod niyon ay ang unlimited na pagpapaliwanag. “Looks like those two have to do lots of talking, well, gutom na ako at baka kayo rin, mamaya na lang sila, mauna na tayo,” announcement ni Karylle, siya na rin ang nagkusang kumunyapit sa braso ni Amiel na kanina pa mukhang tuod kasi malapit si Karylle sa kanya. Sinutsutan ko si Amiel at sinenyasang huminga naman. “Una, Ron,” tawag ni Xhin sa ka-date niya at pati na rin sa batang pamangkin ni Una. Si Una yung babaeng muntik ng masagasahan nun ni Xhin nung gabi ng unang date namin ni Ashley at iniwan nila kami ni Raph. Mabait siya, maganda, at ang tanging babaeng nagpataob sa matapang na si Xhin.
Posted on: Sat, 27 Jul 2013 10:30:57 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015