ZCin2020 update: ZAMBOANGA CITY - Nasunog bandang Alas 12:00 ng - TopicsExpress



          

ZCin2020 update: ZAMBOANGA CITY - Nasunog bandang Alas 12:00 ng tanghali ang DEP-ED Region 9 Satellite Office at buong complex nito sa Normal Road, Baliwasan, Zamboanga City. Ang gusali na nagsilbing Regional office noon para sa Zamboanga Peninsula ay gawa lang sa light materials, at ito ang sanhi ng tuluyang pagupod ng buong gusali at mga ari-ariang nasa loob nito. Nadamay din ang katapat na gusali ng WMSU ILS High School ng Western Mindanao State University at ATM ng Veterans Bank. Sa kabutihang palad, walang nasaktan lalot naganap ito noong lunch break ng mga estudyante, guro, at mga empleyado ng kapwa DEP-ED at WMSU. Ang katabing College of Science and Mathematics na may mga chemical equipments at ang malaking power transformer ng unibersidad ay maswerteng di nadamay sa sunog. Agad nagsuspende ng klase ang unibersidad at pinauwi na ang mga bata, lalo na ang mga estudyante ng WMSU - ILS. Inaalam pa ang sanhi pero suspecha ng ilan ang faulty wiring sa naturang gusali ng DEP-ED. #zcin2020
Posted on: Mon, 08 Dec 2014 07:51:40 +0000

Trending Topics




© 2015