buti nga nagbayad sya sa isang OFW sa mga PINSALAng DULOT NG - TopicsExpress



          

buti nga nagbayad sya sa isang OFW sa mga PINSALAng DULOT NG AMO...mga iingat kayo palagi mga kabayan ko..... admin gn... Pinay worker sa Kuwait pinababayaran ng P2-M by Jay Reyes Aug 23, 2013 6:06pm HKT INATASAN ng korte sa Kuwait na magbigay ng P2 milyon ang isang Kuwaiti sa kanyang minaltratong Pinay worker. Kahapon ay lumabas ang ulat hinggil sa kautusan ng hukuman sa kasong kriminal na isinampa ng 25-anyos na Pinay laban sa kanyang among Kuwaiti. Batay sa salaysay ng Pinay sa mga awtoridad, nakaranas siya ng pagmamaltrato sa kamay ng kanyang amo tulad ng paghataw sa kanyang ulo sa pader at pagbuhos ng kumukulong tubig sa buo niyang katawan. Bunsod nito, tumakas siya sa Kuwaiti na amo nang may mga sugat, lapnos at dispalinghadong mga daliri. Matatandaan na noong nakaraang Pebrero 2013, tinatayang nasa 60 overseas Filipino workers (OFWs) ang pinauwi ng pamahalaan sa Pilipinas makaraang makaranas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso sa kanilang mga employer sa Kuwait. Kabilang sa kanila si Rakma Akmad ng Cotabato na kinumpiska ang travel documents at hindi pinayagan na makauwi sa Pilipinas kahit nagkaroon na siya ng malubhang karamdaman. Noong 2007 isang OFW na nagtrabaho sa Kuwait ang umuwi sa Pilipinas nang lapnos ang mga kamay at nagkaroon ng trauma matapos maltratuhin ng babaeng amo sa loob ng apat na buwan. Nakaranas naman si Rosebelle Yu mula sa kanyang amo ng walang tigil na pagtatrabaho mula alas-4:00 ng madaling araw hanggang alas-2:00 ng madaling araw nang walang day-off. Pinakakain din siya ng mga tira-tirang pagkain. Nasunog din ang kamay ni Yu dahil pinagagamit siya ng amo ng matapang na kemikal sa paglilinis ng bahay at paglalaba at hindi pinahuntulutang gumamit ng gloves. remate.ph/2013/08/pinay-worker-sa-kuwait-pinababayaran-ng-p2-m/#.Uhc34NJHJ8E
Posted on: Fri, 23 Aug 2013 12:41:13 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015