cp technician ngayon ang bida=)) Tumanggi sa kalabit, inumpog ng - TopicsExpress



          

cp technician ngayon ang bida=)) Tumanggi sa kalabit, inumpog ng bf sa pader “Pinagtatanggol ko pa po siya kay mama nu’ng nag-away kami dahil sa kanya, `yun pala tama lahat ng sinabi ng mama ko, sana sumunod na lang ako!” Ito ang sising-sising sabi ng isang dalagitang itinago sa pangalang Hanna, 16, first year college ng kursong accounting at taga-Tala, Barangay 180, Caloocan City nang kusang sumama sa kanyang nobyo na si Joel Fuentes, 25, cellphone technician at pilitin siya nitong makipagtalik ngunit nang tumanggi ay inum*pog siya ng malakas ng nobyo sa pader kahapon ng madaling-araw. Sa inisyal na imbestigasyon ng Caloocan City Police Sub-Station 5 partikular na ni PO3 Cathy Rame, ganap umanong alas-dos ng madaling-araw nang iuwi na ng suspek si Hanna sa kanilang bahay dahil sa hiling na rin ng huli na sasama na umano siya sa suspek dahil lagi silang nag-aaway ng kanyang ina dahil sa pakikipagrelasyon kay Fuentes. Habang natutulog ang biktima, pilit siyang hinuhubaran ng nobyo ngunit pinahinto niya ito at sinabihang kung may mangyayari umano sa kanila ay mapapahiya lamang sila sa ina ng biktima. Hindi naman nagpapi*gil ang suspek at pinilit pa rin ang nobya hanggang mabigla ang dalagita at sampalin ang suspek. Natauhan ang suspek, huminto at walang anu-anong pasampal na dinakma ang ulo ng biktima at diretsong inum*pog sa semento. Hindi pa nakuntento ay kinuha pa ng suspek ang lahat ng gamit ng biktima at isa-isang pinaghahampas dito sabay kinaladkad papalabas ng kanilang bahay at pinalayas. Mabilis namang umuwi sa kanilang tahanan ang biktima at walang tigil sa kakaiyak na kinatok ang silid ng ina. Laking gulat na lamang ng ina na humahagulgol ang anak na nang mga oras na iyon ay wala pang ideya na naglayas pala ang kanyang dalagita. Nang malaman ang sinapit ng anak, walang alinlangan niyang ipinakulong ang suspek. Origlink;abante.ph/issue/sep2013/crimes01.htm
Posted on: Fri, 20 Sep 2013 02:14:03 +0000

Trending Topics



yle="min-height:30px;">
Some days I find only one. Other times they fill my mailbox. Not
INFO El calor es peligroso para el #caballo, es necesario
Baah la vue jai pratiquement dormie toute la journee et une parti

Recently Viewed Topics




© 2015