di makagetoer, pasensya na ! :) DUBAI ftw "Parekoy." tapik ni - TopicsExpress



          

di makagetoer, pasensya na ! :) DUBAI ftw "Parekoy." tapik ni Tito Jonathan sa balikat niya. Nakalagay kasi ang earphones niya at busy pa maglaro sa phone kaya di niya narinig ang pagtawag sa kanya ng papa ni Julie. "Ay. Yes po, tito?" he asked. "Di pa tapos sila Julie. Tara, kain muna tayo." pagyaya nito. Tumango naman siya and they walked to this convenience store. "Napupuyat ka din." sabi ni Tito Jonathan nang makaupo sila sa isang booth. "Okay lang po yun." he answered. "May pasok ka pa mamaya diba? Gusto mo pagbalik sa set, matulog ka muna sa kotse." "No need po, tito. Hintayin na natin matapos si Julie." "Mahal mo talaga anak ko, no?" he just smiled and nodded. Sa totoo lang hanggang ngayon nahihiya siya sa papa ni Julie. Ang dami na kasi niyang kasalanan sa dalaga but still, her family never looked at him differently. Di nagbago ang trato sa kanya. "Mahal ka din niya, parekoy. Mas mahal ka pa ata niya kaysa sa akin eh. Haha." "Tito talaga." he said as they both laugh. "Wag mo na uli sasaktan ang anak ko ha? Sayo lang naman napraning yun eh." Tito Jonathan said. Napayuko naman si Elmo. "Ikaw lang naman pinayagan ko sa mga nanligaw sa kanya. Kampante ako sayo eh. Alam ko naman na di ka katulad nung iba na kasikatan lang ang hangad sa anak ko. I just hope na yung pag-uusap natin dati, that would be the last time na sasabihin kong umiiyak ang anak ko dahil sayo. Gusto ko lang naman, makitang masaya ang anak ko. And I know that only you, can give her the happiness she deserves." "Sorry for what I’ve done before, tito." "Alam ko naman pinagsisihan mo na yun. Kaya nga sinuyo mo uli ang anak ko diba? Gusto ko lang naman na maging masaya kayong dalawa. May tiwala naman ako sayo eh." Tito Jonathan said and he gave Elmo a smile. "Thank you for trusting me, tito." "Trusting you and treating you like a son is the least I can do for my daughter." he said. "Tara na. Baka tapos na sila dun. Uuwi pa tayo to get her things sa bahay." Umalis na sila ng convenience store and bumalik na nga sa set. Sakto, nagpapack-up na ang staff.
Posted on: Wed, 02 Oct 2013 03:52:29 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015