guro, teacher, sir, titser isang propesyon na hindi ko inaakala na - TopicsExpress



          

guro, teacher, sir, titser isang propesyon na hindi ko inaakala na magiging ako... dati ang gusto ko lamang ay maupo sa opisina maginterview ng aplikante o di kaya gamutin ang problema ng isang disturb person ngunit sa pagtuturo ako napapadpad... sa propesyon na init ang kalaban, sakit ng ulo ang hinaharap, tigas ng ulo ng bata ang pagpapasensyahan.. ngunit ang hindi ko inakala sa pagtuturo at pagiging guro ako inilaan ng Diyos hindi niya ako nilagay sa propesyon na gusto ko ngunit nilagay niya ako sa MISYON na gusto ng MAykapal.. misyon na siyang nagbibigay halaga sa akin bilang isang tao, misyon na ipamahagi ang kanyang galing sa mga kabataan, misyon na magbigay inspirasyon sa iba... ngunit sa lahat ng ito masaya ako ay sa pagtuturo ako inilagay ng Diyos dahil hindi naman sapat sa pera ngunit punong puno naman sa pagmahahal na siyang binibigay sa akin ng aking mga ANAK sa aking buhay.. mahal ko ang pagiging guro ko at mahal ko ang mga MAg-aaral mga anak ko na siyang nagbibigay kahulugan ng pagiging isang guro ko.... proud to be teacher ako #titser #guro happy teachers day sa lahat ng kapwa ko guro
Posted on: Thu, 03 Oct 2013 23:04:13 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015