kalihim pa lamang ng tanggulang pambansa ay kinakitaan na si - TopicsExpress



          

kalihim pa lamang ng tanggulang pambansa ay kinakitaan na si pangulong Ramon Magsaysay ng kanyang pagiging malapit sa masa ng lipunan. Ang katangiang ito ang nagsilbing susi sa kanyang pagwawagi sa halalang pampanguluhang idinaos nong 1953. PROGRAMA NG PAMAMAHALA Sentro ng patakaran ng pamamahala ni pangulong Ramon Magsaysay ang paghahatid ngkalayaan at kaunlaran sa mga baryo. ipinatupad niya ang maraming programa na naglalayong mahango sa kahirapan ang mga maliliit na mga mamamayan.Ilan sa mga sumusunod : 0. Pagpapaunlad ng sistema ng pananahanan sa lupa at relokasyon. 0. Pagtatayo ng mga daan, tulay at iba pang pasilidad para sa mabilis na pagbibiyaheng mga produktong rural sa pamilihan. 0.pagsanay at pagpapayo sa magsasaka. 0.Masinsinang pagpapaunlad sa mga komunidad. MGA NAGAWA 1.) Pagtatag ng hkuman ng relasyong Agraryo 2.) Pamamahagi ng mga patente ng lupa para sa mga walang masaka. 3.) Paglilipat ng tirahan para sa walang matirhan. 4.) Pagtatayo ng mga karagdagang daan at tulay. 5.) Pagkakaloob ng mga pautang sa mga magsasaka. 6.) Pagkakaloob ng mga pasilidad na mapag-iimbakan ng mga aning produkto at mga pamilihang mapagbebentahan ng mga ito. 7.) PAgbubukas ng malacanang sa pampubliko. MGA BATAS NA IPINAGTIBAY Sa pamamahala ni pangulong Magsaysay napagtibay ang mga batas na naglalayong mabawasan ang kontrol ng mga dayuhan sa panloob sa ilalim ng kanyang administrasyon. Retail Trade Nationalization Law (1954).Nilalaman dito ang pagbibigay ng unang pagkakataon sa mga Pilipino sa pagupa sa mga pwesto at tindahan sa mga pampublikong pamilihan ng bansa. Filipino Retailers Fund Act (1955).Ipinagbawal ng batas ang pagpasok sa mga pagbenta ng mga produkto ng mga bahay -kalakal na hindi pagaaring lubos ng mga mamamayang Pilipino. National Marketing Corporation Act (1955).Tumutukoy ito sa pagtatag sa National Marketing Corporation bilang isang pampublikong korporasyon na tulong sa pagsusuplay ng mga produkto sa presyong makapagbibgay- kakayahan sa mga retailer na pilipino na makipagkumpetensya sa bentahan ng mga produkto sa mga pamilihan. Ang pagpapatuloy ng magagandang naipakita ni Panglong Magsaysay sa panahon ng kanyang panunungkulan ay binigo ng mga aksidenteng kumitil sa buhay ng pangulo. Noong Marso 17, 1957, bumagsak ang eroplanong kanyang sinakyan sa bundok ng Manunggal ,Cebu. Ang pangalan ng sinakyang eroplano ay PINATUBO. Ang maikling talambuhay ni ramon magsaysay ay sinilang siya noong august 31 1907 at namatay noong march 17 1957..
Posted on: Mon, 11 Nov 2013 09:17:50 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015