naiyak ako habang binabasa ko yung letter ni Jackie Forster sa - TopicsExpress



          

naiyak ako habang binabasa ko yung letter ni Jackie Forster sa dalawang anak niya. nanay rin ako at may pinaghuhugutan din ako kaya naaawa ako kay Jackie bilang isang ina. sadyang napaka lupit ng tao sa kapwa. nandiyan ang huhusgahan ka na lang ng husto na hindi man lang nalalaman ng mga tao kung ano at sino ka ba bilang isang tao o bilang isang ina. hindi tayo perpekto at walang perpekto na tao ang ginawa ng diyos para sa pagkakaunawa ko. hindi tayo diyos para hindi magpatawad ng kapwa. lahat tayo may baho at pagkakamali sa buhay. kampon ka na lang ni satanas kung sasabihin mo na hindi ka nagkamali at sobrang linis mo bilang isang tao. kung may nagkasala sa iyo at hindi humingi ng kapatawaran, magalit ka at sumama ang loob mo. pero kung kusang lumalapit at humihingi na ng tawad at taos puso yung hangarin niya diba maganda at tama na rin magpatawad ka kasi nalaman na niya ang pagkakamali niya. nanay pa rin si Jackie ng mga anak niya kahit ano gawin ni Benjie Paras. hindi niya dapat ipagdamot yung karapatan ni Jackie sa mga anak niya. at kung may sama ng loob pa rin si Benjie kay Jackie at suklam na suklam siya sarilinin na lang niya at wag na sana siraan pa sa mga anak. mahirap kasi sa mga tao sisiraan yung ina sa mata ng mga anak tapos magmamalinis yung ama na parang walang pagkakamali sa buhay. pag pinagdadamot ang anak sa isang ina unfair yun. hindi magiging tao ang mga anak niyo kung hindi yan nabuo dahil sa isang ama at ina. dalawa kayong gumawa ng mga anak niyo. at the fact the niluwal pa rin ng isang ina ang isang anak sana naisip ng ama na hindi madali ang magbuntis ng 9 na buwan at malagay sa hukay ang isang paa ng isang ina habang nahihirapan sa panganganak. at sa paglabas ng anak sa mundo ang ina ang halos magpuyat at mahirapan sa pag-aalaga. ang isang ama at ina ay tinawag na magulang na dapat dalawa sila na mag-aaruga at mag-papalaki ng tama sa mga anak nila ke salat sa buhay o mayaman. HINDI MAKAKAUNAWA ANG ISANG TAO SA GANITONG KLASENG SITWASYON KUNG HINDI NIYA NALALAMAN ANG PAKIRAMDAM NA MASAKTAN BILANG INA AT ASAWA.
Posted on: Sat, 13 Jul 2013 18:39:07 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015