nakakaramdam din pala ng insulto ang pamahalaan natin - akala ko - TopicsExpress



          

nakakaramdam din pala ng insulto ang pamahalaan natin - akala ko kasi mga manhid na sobra. naglipana na ang international aid na dumarating sa bansa natin - bilyon-bilyon na ang pera natanggap natin for Yolanda victims. Bakit parang ayaw nilang gamitin. ang problema nila ay hindi raw passable ang mga roads dahil nakahambalang ang mga nagtumbahang mga kahoy at poste. so what do you think is the best solution? tanggalin, di ba? para matanggal ito, ano ang kailangan? manpower! kulang sa tao - thats not a problem. hire people to work on these mess. natural, you have to spend money - tutal may pera naman, magbayad ng mga tao para trabahuin ang mga ito. kasi nga, dala na rin ng kahirapan, walang masyadong magbu-volunteer lalo na sa mga karatig-bayan ng tacloban, leyte - kailangan din nila ng perang iiwanan sa mga anak nila para habang nagtatrabaho sila hindi naman gutom ang pamilya nilang iiwan. how much do you think would cost this government halimbawa to hire 2,000 sweepers/cleaners; 1000 men para magtanggal ng mga nakahambalang mga kahoy at poste; 1000 electricians to work on the electricity; etcetera, etcetera. hindi makakaubos ng P100 million sa donasyong natanggap natin. huwag panghinayangan para mapabilis ang paglinis ng kapaligiran. assign people para lamang maghukay ng mga rubble para kunin ang mga maraming namatay. at the same time, instead of puro pagpupulong na wala namang napapatunguhan, assign cabinet members to look into the other places na nasalanta rin at alamin ang mga pangangailangan niola - simultaneous with your operation sa tacloban, leyte. hindi lang po tacloban ang nasalanta - may mga namatay din at na-damage na ibang lugar. assign enough people sa relief operations ng bawat lugar. hindi katwiran ang walang maghahatid or what - bakit ang US Marines ay nakapaghatid ng relief goods via Tacloban airport, aber? kung kaya nila, puwede rin nating magawa. nakakahiya talaga dahil instead na tayo ang magsimula ang mga tagaibang bansa pa ang nakakalusot para tumulong ahead of us. SISTEMA lang po iyan. sa dinami-dami ninyo sa malakanyang (p-noy, lacierda, ochoa, mar roxas, dingky soliman, etc.) wala man lang nakapag-isip ng tamang sistema? lalong dumarami ang namamatay sa ibang bayan - huwag kayong lahat nakatutok sa tacloban lamang - huwag munang isipin ang cameras - SAVE LIVES first. daming dysfunctional na government agencies - gamitin ninyo. pinapasuweldo sila ng mga tao kaya huwag silang mag-sitting pretty sa mga bahay nila. use the military well - dispatch them properly. at sana, panawagan ng marami sa DSWD - yung pagkain namang dinadala ninyo raw sa mga biktima yung MATINO naman at hindi parang KANING-BABOY. hindi yung mga PANIS at luma. huwag niyong itambak ang mga bigas sa mga bodega ninyo - ilabas ninyo lahat iyan at ipamigay sa mga biktima. sabi niyo BOSS niyo sila - bakit hindi niyo matugunan ang mga basic needs nila ngayong kailangang-kailangan niyo sila? nagkakagulo na- nagpapatayan and we dont blame people kung nakikipag-agawan na sila ng mga pagkain - natuto na ang ibang magnakaw ng mga paninda sa mga groceries dala na rin ng sinasbai nating SURVIVAL OF THE FITTEST. you dont blame them. huwag niyo nang hintaying may mga leftists na mag-take advantage ng mga situwasyon. mahirap man pero alam nating kaya nating gampanan ito lahat - may SISTEMA lang dapat. hindi yung may kaniya-kaniya kayong agenda. buntutan nang buntutan ang mga potah. magsihiwalay-hiwalay kayo ang work on different tasks. where are these stupid at maiingay na senador na magaling lang magdadakdak sa mga senate hearings? hoy, lumabas kayo sa mga lungga ninyo at tumulong. saan na ang mga congressmen na puro pork barrel lang ang inaabangan? hindi porke hindi ang mga bayan ninyo ang nasalanta ay hindi na kayo kikilos. tumulong kayo. huwag kayong magpa-cute sa mga lugar ninyo. ibinoto kayo ng taumbayan para magsilbi. ganoon talaga...sasabihin nila, bakit kailangang magpakahirap si P-NOY! ginusto niya iyan - tumakbo siyang pangulo at pag sinabing pangulo ka ng isang bansa, ikaw ang AMA nila kaya obligasyon mong isalba sila. hindi puwede ang hihina-hina rito. pinakikinabangan mo ang taumbayan kaya dapat lamang na pagsilbihan mo sila nang maayos. hindi yung puro dakdak. puro meeting. kailangan natin dito ay MAN OF ACTION! nagagalit lang kayo pag pinupulaan kayo ng international media pero tama lang din naman dila eh. in fact, kulang pa nga ang nasabi nila of us eh - totoo namang destabilized tayo in terms of governance and civil defense ah. puro porma lang actually ang mga public servants natin and maraming SUPER CORRUPT. magsilabasan kayo ngayon - tsaka na ang mga politics-politics na iyan - tsaka na iyan. TABANG muna. meaning, tulong muna - tsaka na magbilang ng pera. gamitin ang mga donasyon para maitayong muli natin ang mga bayang nasalanta. huwag panghinayangan ang nalikom na pondo. gamitin nang tama. sa totoo lang, super-disappointed na ang foreign neighbors natin sa pamamalakad at pamamaraan natin ng pagtulong sa mga nasalanta - baka bukas-makalawa, pag nangyari ulit ito sa atin ay wala nang tutulong. mag-utos ka sa mga tao mo p-noy! huwag lalamya-lamya. bakit pag-iinitan ninyo si anderson cooper ng CNN samantalang tama naman ang ini-report niya sa homebase niya ah. wala naman siyang sinabing paninira lamang. everything that he said and reporter ay supported with videos kaya papaano mo mapapasinungalingan ang mga iyon. ganoon talaga - we are being covered by international media dahil this is no joke. kung ayaw ninyong may international media na tumututok, huwag kayong tumanggap ng foreign aid. ganoon lang iyon. sa toto lang, what anderson cooper showed was more of a concern - hindi paninira. POOR GOVERNANCE - puro LIP SERVICE lang naman talaga tayo, no! hay naku - hindi na ako magtataka kung magkagulo sa bansang ito - with the kind of a leader and governance that we have - i dont know where were going to. pasensiya na, napahaba ang litanya ko dahil tulad mo, tulad nating lahat - nasasaktan din ako. bawat isa naman sa atin ay tumutulong in our own little way eh kaya marapat lamang na ayusin nila ang mga trabaho nila. tuwing kampanya at eleksiyon nangangako sila - ngayong nakaupo na sila, nalilito pala. hasus!!! p-noy even said na hindi raw nila akalain na ganito kalaking magnitude ang magaganap sa atin kaya hindi sila prepared for this. thats funny and stupid you know. who prepares for what? can you tell every calamity na dapat katamtamang lindol lang - dapat pang 100km per hour lang ang dalhin mong hangin o ganitong amount lamang ng tubig ang ibuhos mo sa bansa namin. we dont know. you dont say that. you are our leader - presidente ka namin. ang dapat mo kaagad isipin, since nandiyan na iyan, i-maximize na ang lahat ng resources natin para matugunan ang pangangailangan ng bawat isa - nasalanta man o hindi. lesson learned for politicians? HUWAG TUMAKBO PAG HINDI PALA KAYA. period.
Posted on: Wed, 13 Nov 2013 23:30:12 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015