..repost ko lng uli.... Buhay Pinoy sa Abroad Registered nurse si - TopicsExpress



          

..repost ko lng uli.... Buhay Pinoy sa Abroad Registered nurse si Bebeng sa L.A. Kasama niya ang kanyang pinsan na nagpagamot doon pero namatay. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pauwi Pinas, nagtipid si Bebeng. Pinauwi na lang niya ang kabaong ng pinsan na mag- isa. Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na nakadikit ang mukha ng pinsan sa salamin ng ataul. Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong.Aba! May sulat na-nakastaple sa dibdib ng pinsan. Kinuha nila ito at binasa. Ang nilalaman ng liham na mula kay Bebeng: Mahal kong tatay, inay, mga pinsan, mga kamag-anak at mga kapatid; Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan si pinsan sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit $10,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni pinsan ang mga sumusunod… Nasa likod ni pinsan ang dalawampu’t apat na karne-norte at isang dosenang spam. Ang adidas na suot ni pinsan ay para kay tatay. Ang limang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni pinsan. Tig-iisa kayo. Ang mga tsokolate at candy ay nasa puwetan ni pinsan. Para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte. Sana hindi natunaw. Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni pinsan ay para sa bunso ni ate. Gift ko sa first birthday ng bata. Ang itim na Esprit bag ay para kay Inay. Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni pinsan, japanese version ng pokemon trading cards at stickers. Suot ni pinsan ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta. Suot din ni pinsan ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party. May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni pinsan. Para sa inyo, itay, kuya,dikong, Tiyo Romy, Pareng Tulume at yung pamangkin ko. Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din ni pinsan ay para sa mga anak mo, dikong, na nagbabasketball. Tigdadalawang ream ng Marlboro lights at Winston red ang nasa pagitan ng kanyang mga hita. Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at anim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kilikili ni pinsan. Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan. Isang dosenang Wonder bra na gustong-gusto ni Tiya Iska, suot-suot din ni pinsan. Alam kong inaasam-asam nyo ‘yan, tiya. anim na lipstick lang ang kasya sa bra. Ang Rolex na bilin-bilin mo tatay, suot ni pinsan. Nakatakip sa Nike na wristband. Kunin mo agad, Itay. May isinisik akong zip-loc sa bunganga ni pinsan na naglalaman ng 759 dollars. Hindi na ako nakatakbo sa ATM. Puede na siguro sa libing iyon. Iyong tong na makokolekta, i-time deposit niyo Kuya para pag namatay ang asawa ni pinsan eh may pambili na ng ataul. Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may nakakabit pang anim na nail cutters) na gustong-gusto mo, inay, ay suot suot din ni pinsan. Kunin mo na rin agad, inay. Ibigay mo ang isang nailcutter kay Jay bakla sa kanto. Tanggalin niyo ang bulak sa ilong ni pinsan, may isiniksik ako 3 diyamante bawat butas. Ibangon niyo lang si pinsan at tiyak na malalaglag na ang mga iyon. Konting alog lang siguro ng ulo. Isang Ray Ban ladies sunglass na pabirthday ko kay Ninang Berta, hindi ko na pinasuot kay pinsan. Isiniksik ko na lang sa may bandang ulunan ni pinsan. Nasa pink na plastik na maliit. Mga Chanel at Champion na medyas, suot suot din ni pinsan. Tig-iisa kayo, mga pamangkin ko. Mga pampers, panty liners, cotton buds, cotton balls, table napkins at mga scotch brite na may foam ay natatakpan ng mga puting bath towels… yon bale ang pinangkutson ko sa kabaong ni pinsan. Marami-rami rin iyon. Parte-parte rin kayo. Marami pa akong ipinagsisiksik kung saan-saang parte gaya ng cafe, coffee creamer, ilang vienna sausage na de lata, barbie dolls, toothbrush, paper cups, plastic spoons and forks, paper at styrofoam plates, perfume, cologne, ballpens, stationeries, envelopes, bar soaps, match box toys, used t-shirts, hand towels, CD. VHS tapes, padlock, tools gaya ng screw driver, plais, long nose, atbp. na hindi ko na na itemize dahil nagmamadali ako at graveyard shift ako ngayon. Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag-excess at si pinsan pa ang maiwan. Basta parte-parte kayo, tatay, inay, kuya, ate, dikong, ditse. Para sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay pinsan. Pamimisahan ko na lang siya rito. Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing. Alam ni ate ang email ko. Paki-double check ang lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko. Nagmamahal, Bebeng P.S. Pakibihisan ninyo agad si pinsan! Sa takip pala ng kabaong sa may paanan, tis-tisin niyo ang tahi ng pulang sinulid at may isinisik akong mga nail polish at nipper para kay Mareng Ana sa ibayo. May mga tuwalyang puti.Iyong markang Days Inn para kay kuya, Holiday Inn kay ditse, Econolodge kay ate, La Quinta kay dikong, yung Mandalay Bay para kay itay. Mag-iipon na lang uli ako pag punta namin sa Las Vegas. hahaha. ..jam..
Posted on: Fri, 04 Oct 2013 13:56:07 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015