tsk tsk tsk Lalaki nga naglukso sa 21th floor . . ambot anu - TopicsExpress



          

tsk tsk tsk Lalaki nga naglukso sa 21th floor . . ambot anu itsura nya basaha nyo na lang ang dtalye BASAG ang bungo ng 28-anyos na lalaki nang tumalon mula sa ika-21 palapag ng condominium kagabi sa Parañaque City. Dead on the spot si Mario Bongalan, tubong Davao City at pansamantalang nanunuluyan sa room 2107 Bay View Tower 3, Barangay Tambo sanhi ng pinsala sa ulo at katawan makaraang lumagpak sa unang palapag ng condominium. Sa ulat ni SPO1 Rudy Dimson ng Homicide section ng Parañaque police, nagpasundo ang biktima sa kanyang inang si Lilibeth Estojas sa isang gas station sa Baclaran alas-9 ng gabi at pagsapit sa loob ng condominium ay napansin na ang kanyang pananahimik at kakaibang kilos. Dahil dito, kinausap ang biktima ng kanyang pinsang si Vergel Pesidas na nakapuna rin sa pagbabago ng kilos ng biktima subalit bigla na lamang dumampot ng tubo si Bongalan at hinataw ang kanyang pinsan. Tinangka namang umawat ng ina nitong si Lilibeth subalit siya man ay hinataw rin ng tubo hanggang nagtatakbo na ang biktima patungo sa pasimano ng terrace at bigla na lamang tumalon na naging dahilan ng kaagad niyang kamatayan.
Posted on: Fri, 06 Sep 2013 13:57:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015