yung long distance relationship kayo ng boyfriend mo.. and then - TopicsExpress



          

yung long distance relationship kayo ng boyfriend mo.. and then dumating yung time na magkikita na kayo.. naka set na yung date and time nang flight niya pauwi sa pilipinas para makasama ka.. then ikaw nag iisip ka na sana ma cancel yung flight, o watsoever para di siya matuloy, hindi dahil sa ayaw mo syang makita kundi nag iisip ka na baka di ka niya magustuhan kahit na nag kakausap kau, nag kakachat at nag skype, iba kasi pag inperson, baka biglang mag bago pag hindi ka niya magustuhan.. and then dumating na sya, kinabukasan magkikita na kayo.. habang nag lalakad papunta sa tagpuan nyo, nararamdaman mo yung excitement, saya, pero mas nangingibabaw yung kaba, na parang gusto mong mag back out, yung sabihin sa knya na nag ka emergency sa bahay kaya di ka makakapunta.. kakaisip mo, di na namalayan na malapit ka na sa tagpuan nyo, parang may sariling isip yung mga paa, na nag sasabi na “nandito kana, malayo kana sa bahay niyo, tangina ang layo na ng nilakad mo, wag ka ng umatras”. nung nandun ka na sa tagpuan niyo, yung limang hakbang lang makikita mo na sya at makikita ka na nya, napatigil ka at napabuntong hininga, “kaya ko to! ikaw ang dhilan bat sya umuwi, bahala na sya kung gusto ka pa din nya after ng date na to”. humakbang ka na para makita kana niya. yung feeling na nakapang bahay ka lang, naka p.e jogging pants ka, naka jacket at naka tsinelas ka lang, tapos sya bihis na bihis, naka vans na shoes, naka maong pants, polo sport na tshirt at ang bango bango niya, naka upo sya sa isang area sa parking lot. nung nakita ka nya, nag smile ng bongga, while ikaw na pa nga-nga nalang, ung parang nag slowmo ung pangyayari. bigla mo na lang naramdaman na may yumakap sayo, doon ka lang natauhan na kasama mo na yung taong sa skype mo lang nakikita, sa chat mo lang nakakadaldalan. astig! ang saya nung feeling, na nakikita mo sya habang nakain, yung tipong ang lakas mo namang kumain, pero makita mo lang sya busog ka na, yung pakiramdam na mas gusto mo syang makitang sumubo ng pag kain nya at uminom. yung sa tuwing nag lalakad siya, parang ang saya sa pakiramdam na nakikita mo kung paano sya humakbang papalayo, o papalapit sayo..yung ok lang na dumaldal siya ng dumaldal, di ka mag sasawang manahimik.. sa tuwing ngingiti sya parang dun mo lang nakita, yung malalaman mo na lang na pati ikaw nakangiti na. yung mga tawa niyang nakakagaan ng pakiramdam, yung parang sa tuwing tatawa siya gusto mong halikan, dahil parang ang saya saya niyang tao. sa tuwing hahalik sya sa pisngi, parang may kuryenteng kumikiliti, na hindi mo kayang tiisin. satuwing hahalik sya sa labi, parang matutunaw ka, feeling mo first time mong hahalik.. kahit minsan nakakasakit dahil sa bigote niyang natubo..ang nipis ng mga labi. pero kung makayakap, parang nayakap ka sa isang malaking teddy bear.. ang sarap sa feeling na sa pag sikat at pag lubog ng araw, may tao kang mayayakap, makikita at makakausap. pero sabi nga nila, may ending din yung saya, dahil kelangan na din niyang bumalik, dun mo mararamdaman na parang ang sakit sakit. na sana yung hinihiling mo noon,biglang mangyari, na sana macancel yung flight, para lang makasama mo pa sya. pinipilit mo na lang na wag umiyak sa harap niya, dahil nakikita mo na nag papakatapang siya para sayo. pero nung iparamdam niya yung huling halik at yakap niya, dun mo marerealize na para kang broken hearted. pero at the end of the day, maiisip mo na lang at mag papasalamat na hindi ka nag back out, dahil eto yung pinaka the best na feeling at experience na naramdaman ko. I dearly Love & Missed You Honey bunch ♥♥♥
Posted on: Fri, 21 Jun 2013 02:09:08 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015