ΔΔdukhaΔΔ Higit 50 OFWs mula Jeddah, nakauwi na ng - TopicsExpress



          

ΔΔdukhaΔΔ Higit 50 OFWs mula Jeddah, nakauwi na ng bansa Mahigit 50 OFWs mula Jeddah, Saudi Arabia ang nakabalik na ng bansa, Lunes ng gabi. Mahigit 50 overseas Filipino workers (OFWs) mula Jeddah, Saudi Arabia ang nakabalik na ng bansa, Lunes ng gabi. Lulan sila ng Etihad Airways na lumapag, alas-11:10 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Kabilang sila sa libo-libong Pinoy na na-istranded at pansamantalang nanirahan sa mga tent sa Jeddah. Nagkampo sila sa labas ng Philippine Consulate Office matapos bigyan ng deadline ang illegal, overstaying at undocumented workers. Pinalawig hanggang Nobyembre 3 ang deadline para ayusin ang kanilang status o umalis sa Saudi Arabia. Nagpadala naman ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng repatriation team sa NAIA para magbigay ng kaukulang tulong sa mga umuwing OFW. Inaasahan ang tuloy-tuloy na repatriation kasama ang tulong na paghahatid sa OFWs sa kani-kanilang probinsya at pagbibigay ng pansamantalang matutuluyan. Isasailalim din ang mga OFW sa stress debriefing.
Posted on: Tue, 22 Oct 2013 08:20:48 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015