بسم الله الرحمن الرحيم السلام - TopicsExpress



          

بسم الله الرحمن الرحيم السلام عليكم و رحمة الله و بركاته sabi ni Allah SWT. surayol kahaf 50: و إذ قلنا للملائكة اسجدوا لأدم فسجدوا إلا إبليس كان من الجن ففسق عن أمرربه أفتتخذونه و ذريته أولياء من دوني و هم لكم عدو بئس للظالمين بدلا sa malapit na kahulogan nito: at nang sinabi namin sa mga anghel tumirapa kayo Kay Adam (as) at silay tumirapa maliban Kay IBLIS dahil siyay kabilang sa Ingkanto, nilabag niya ang utos ng kanyang panginoon (Allah), gagawin niyo (mga Tao) ba siya (iblis) at ang kanyang angkan bilang inyon sandigan/wali kaagapay maliban sa akin (Allah), at silay inyong kaaway, masamang kagagawan ng mga daalim ang pagsunod Kay iblis kaysa Kay Allah ** si Allah mismo ay binanggit niya na may angkan si Iblis, kaya naman sabinng ibang Mufasseroon ay di mangyayaring magkaroon ng angkan si Iblis maliban na lamang na siyay may asawa, sabi naman ng iba ay nilalagay niya sa kanyang puwitan ang kanyang punla at naging itlog ito hanggang sa maging mga angkan niya.... ** sabinni QATADAH silay nanganganak katulad din ng panganganak ng Angkan ni ADAN.. ** sabi naman ni UBAY IBN KAAB, tunay na si Propeta Mohammad sumakanya nawa ang kapayapaan ay nagsabi (( tunay na sa pag WUDO ay may SHAYTAN, na ang pangalan ay WALHAN, ingatan ninyo ang TUKSO niya sa tubig )) ** paliwanag: may naka assign na shaytan sa pag wudo ng Tao, at siya ang tumutukso sa Tao upang mag dadalawang isip siya sa kanyang wudo, itoy nangyayari sa atin habang tayo ay nagsasagawa ng wudo... ** sabi ni MUJAHEED: kabilang sa mga angkan ni Iblis lanatollahi alayhi.... 1. LAQEES AT WALHAN sila ang naka assign sa WUDO AT DASAL ng mga Tao.... 2. HAFFAF AT MURRA 3. ZALANBOUR siya ang naka assign sa palingke upang gandahan ang mga pandaraya ng mga manininda, at panunumpa ng kasinungalingan upang mabinta lamang ang tinda kahit pa ito ay di mabuting tinda, at iba pang kasamaan sa palingke... 4. TABRO siya ang naja assign sa MOSEYBAH na dumarating sa mga Tao, upang gandahan ang kanilan gawain, tulad ng kapag may nangyaring masama sa kanila ay PINUPUNIT ANG MGA DAMIT, PAGLABAS NG MGA BULSA AT PAGBALIKTAD NITO, PAGPALO SA PAA, AT PAGHAWAK SA MGA BUHOK ( gawain ng jaahilyah ).... 5. AL AWAR siya ang naka assign sa ZINA/pangangalunya ginagandahan niya ang gawain ng isang babae at lalaki, pinapalakas niya ang GANA ng lalaki at pinapahina niya ang RUPOK ng babae upang silay makagawa ng PAGTATALIK NA BAWAL/PANGALUNYA... 6, 7. DASEM AT MUTAWWAS kabilang din sa mga angkan ni IBLIS ALLAEYN..... ** nilalagay ni IBLIS ang kanyang kaharian sa tubig at bawat isay magrereport sa kanya sa kanilang nagawa, sasabihin ng isa na ganito ganyan, sgot ni Iblis wala kang nagawang kasamaan, at may magreport ng AKO NAPAGHIWALAY KO ANG DALAWANG MAG ASAWA tatawagin siya ni IBLIS at palalapitin sa kanya dahil siya ay nakagawa ng masama...... ** mga kapatid sa Islam, si Iblis/Satan/Shaytan ay ating kalaban na lantad, kaaway hanggang hanggang sa dulo ng ating buhay, wag natin siyang sundin dahil nais niya lamang magkaroon ng kasama sa impeyerno dahil ito ang pangako ni Allah sa kanila at sa susunod sa kanya, at upang di tayo maligaw mula sa matuwid na landas...... KUHA MULA SA TAFSEER NI ALBAGAWEY SURATOL KAHAF 50 ang kaalaman ay nanggagaling lamang Kay Allah (allaho alam)
Posted on: Wed, 30 Oct 2013 03:26:29 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015