"Ako Mahal Mo pero Andun Ka sa Bestfriend Mo" Malimit nagiging - TopicsExpress



          

"Ako Mahal Mo pero Andun Ka sa Bestfriend Mo" Malimit nagiging threat sa isang relasyon ang sobrang close sa isang kaibigan "bestfriend".Dahil sa kawalan ng oras at minsan nagdudulot ito ng kaguluhan sa kanyang nararamdaman dahil sa labis na pagkalapit nito sa kaibigan.Tandaan mo,sinagot mo sya o pinili mo sya dahil mahal mo sya kase meron kang espesyal na nararamdaman,kaya dapat mo syang pahalagahan hindi para saktan at pabayaan.Hindi rason na mas una mo nakilala ang kaibigan kesa sa kasintahan...dahil... Ang mahal mo..ang kasama mong susumpa sa Diyos kapag ikakasal na kayo..hindi ang kaibigan mo. Ang mahal mo...ang magbibigay sayo ng tunay na kaligayahan,gaya ng maganda at poging anak..hindi ang kaibigan mo. Ang mahal mo...ang bubuhay sayo o mag-aasikaso sayo..hindi ang kaibigan mo. Ang mahal mo...hindi lang ikaw ang mamahalin kundi pati pamilya mo..hindi ng kaibigan mo. Ang mahal mo na labis magmamahal sayo...unconditional ang love na ibibigay sayo..hindi ng kaibigan mo. Ang mahal mo...kaya kang subuan ng kanyang kamay..hindi ang kaibigan mo. Ang mahal mo ang future na makakasama mo pagtanda mo hindi ang kaibigan mo. Depende ito sa level ng relasyon kasi pwedeng ang iba mga bata pa at ang iba matured na. Kung nasa ganito ka na sitwasyon,depende yan sa lalim ng relasyon niyo,kung kaya niyo pagusapan at kung kaya mo sya ayusin.Kung pareho kayong may malalim na pagmamahalan at pagkakaunawaan,dapat iiwas ka sa banta na pwede ikasira ng relasyon niyo kung talagang gusto niyo ito ingatan. Dapat ang boy/girlfriend mo,sya na ang magiging bestfriend mo. Hindi ibig sabihin nito na iiwasan mo na ang bestfriend mo.Pero dapat alam mo ang limitasyon.Iba na ang noon sa ngayon,dahil may nagmamay-ari na ng puso mo at dapat mo itong ingatan. Minsan may mga bestfriend na kahit alam nilang in relationship na yung kaibigan nila,pilit pa rin nila itong gustong makuha dahil meron silang tinatagong damdamin. At ikaw,bilang responsable...dapat ipinaliliwanag mo sa kanya na.."ikaw ay aking mabuting kaibigan"...
Posted on: Sun, 25 Aug 2013 11:38:57 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015