2GO, Sulpicio ships sinuspinde na ng MARINA Written by Reymund - TopicsExpress



          

2GO, Sulpicio ships sinuspinde na ng MARINA Written by Reymund Tinaza Published in Top Stories Saturday, 17 August 2013 17:05 Ipinag-utos na ngayon ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang pagsuspinde sa lahat ng mga barko ng 2GO at Philippines Pan Asia Carrier Corp. para maisagawa ang kinauukulang inspeksyon matapos ang nangyaring banggaan ng kanilang barko sa Talisay City, Cebu. Sinabi ni Dr. Maximo Q Mejia, Jr. na siyang Administrator ng MARINA, marami sa mga barko ng dalawang shipping lines ay nasa karagatan pa kaya pagbalik, hindi na sila papayagang makabiyahe. Ayon kay Mejia, naglabas na rin ang MARINA ng show-cause order para ipaliwanag sa loob ng 72 oras ng dalawang shipping lines kung bakit hindi dapat makansela ang kanilang permit na mag-operate. Kapwa nakikipagtulungan naman daw sa kanila ang Philippines Pan Asia na may-ari ng M/V Sulpicio Express 7 at 2GO na siyang may-ari ng M/V St. Thomas Aquinas kung saan agad ding nagsumite ng mga hinging dokumento at nagtatag ng assistance desk para sa mga biktima o kaanak ng mga biktima. Sa paunang pagsusuri, lumalabas na wala namang problema sa certificate ng mga kompanya, bilang patunay na walang problema sa structural integrity ng mga sangkot na barko. "We also decided to order immediate inspection to be reinforced by suspension order to all the ships belonging to these companies," ani Mejia. "MARINA has issued a show-cause order requiring the two companies to whow-cause why their permit should not be cancelled." Sa kanyang panig, sinabi naman ni DoTC Sec. Jun Abaya na dalawang uri ng imbestigasyon ang gagawin ng Board of Marine Inquiry (BMI). Una raw ang fact-finding para malaman ang sanhi ng banggaan at ikawala ang paghahanap ng criminal liability o pananagutang kriminal para sa nagkulang kaya naganap ang trahedya. Patuloy pa namang ikinukumpara ng DoTC ang kanilang mga hawak na manifesto para matiyak ang eksaktong bilang mga pasahero ng barkong lumubog. - See more at: bomboradyo/news/top-stories/item/17934-2go-sulpicio-ships-sinuspinde-na-ng-marina#sthash.rWVmyVQc.dpuf @@@
Posted on: Sat, 17 Aug 2013 11:40:01 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015