3 points: 1. maraming salamat sa lahat ng mga magulang (kawani ng - TopicsExpress



          

3 points: 1. maraming salamat sa lahat ng mga magulang (kawani ng gobyerno, simpleng mga empleyado, maliliit na negosyante at ofw) na naging tapat sa kanilang mga trabaho at nagbayad ng kanilang mga buwis para makapag aral ang kanilang mga anak sa mga pampublikong unibersidad sa pilipinas. kahit hindi sa new york o kung saang prestihiyosong kolehiyo sa ibang bansa. 2. may obligasyon tayo, sa bayan at sa mga magiging anak natin, na manatiling tapat sa ating trabaho at magsumikap na mapag aral siya mula sa karampot na kikitain natin bilang isang kawani ng gobyerno. 3. sana ang lahat ng kawani ng gobyerno, mula sa mga job order hanggang sa mga kalihim ng ibat ibang ahensya ay maglingkod ng tapat sa mga Pilipino. ang pagbabago ay hindi lng magsisimula sa presidente ng pilipinas o sa mga tao sa kongreso kundi sa ating mga simpleng rank and file employees na dinadaanan ng papel bago ito makarating sa mga nasa kongreso. if we cannot create big waves perhaps we can make small ripples of change.
Posted on: Wed, 21 Aug 2013 06:19:26 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015