5. Ipinagbawal ng pumalaot ang mga taksay noon, kung kaya’t - TopicsExpress



          

5. Ipinagbawal ng pumalaot ang mga taksay noon, kung kaya’t pumili ako ng oras na makuha ko ang ilang subject ko sa ibang kurso upang makapaghugas ng pinggan sa kantena ng PUP. Hindi naglaon ay dumami ang mga subject na naiwan ko at hindi na makasabay pa sa mga dati kong kaklase. Nasa 3rd year college na ako ng mga panahon iyun. Hindi na ako muling nakapag-enrol noong sumunod na semester dahil pumasok akong kaminero o mananabas sa DPWH na proyekto ng dating Pangulong Arroyo. Nakailang buwan din ako akong nagtabas sa highway, mula sa bayan ng Mulanay hanggang sa San. Francisco, Quezon. Minsan natapat kami ng pagtatabas sa PUP, sobrang akong nalungkot. Naisip ko noon na hindi ko na matutupad pa ang pangarap ko na makapagtapos ng koliheyo. Binati ko ang isa sa dating kong guro habang pasakay siya ng tricycle, ‘Good afternoon mam’, ‘good afternoon’, “ikaw pala, padisguise-disguise ka pa”, sabi niya sa akin. Nakabalot noon ang aking mukha dahil sa init ng araw kaya’t di kagad niya ako nakilala. Itutuloy....
Posted on: Thu, 11 Jul 2013 06:03:20 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015