AKO SA LINGGONG ITO.. AUGUST 25 TO AUGUST 31 ENERO Pagtutuunan mo - TopicsExpress



          

AKO SA LINGGONG ITO.. AUGUST 25 TO AUGUST 31 ENERO Pagtutuunan mo ng pansin ang paggasta o pag budget mo ngayong linggo. Maaaring ifo focus mo ang iyong sarili sa mga gastusin at mapapansin mo na napapagastos ka ng malaki. Medyo may kataasan ang iyong mga expenses habang papalapit ang katapusan ng buwan at dahil dito ikaw ay mas magsisipag upang mabayaran mo ang mga ito. Pasalamat ka din at me oportunidad para kumita ng extra. Magandang isuot ang berde upang mag anyaya ng wealth luck this week. Magandang mga araw ay 25, 30 at 31. PEBRERO Ang magandang kalusugan ay dapat pagtuunan ngayon at hindi bukas o sa makalawa pa. Panahon na upang magpa lab test o mag second opinion ng doctor kung ikaw ay may karamdamang paulit ulit o me chronic ailment. Wag palagpasin ang buwan ng di nagpapatingin. Huwag din gagawa ng anumang hakbang tungkol sa pag-ibig o pampaganda sa August 26. Maaaring ituloy ang mga balaking pampersonal, pag-ibig o pampaganda pagkatapos ng petsang ito. Maganda rin ang panahong ito para magpalit ng mga gamit o damit. MARSO Kung kailangan mong pumirma ng papeles o di kaya magkaroon ng kasunduan sa negosyo o pang pinansiyal, maganda and mga petsang 29 o 30. Ito ang pinaka maswerteng araw para sa pinansiyal na usapin. Siguraduhing plantsado na ang pag uusap bago magpirmahan upang walang makalimutan. Magandang magsuot na kahit na anong metallic na accessory para maka attract ng pera. ABRIL Ang august 25 ay di magandang panahon para pumirma ng kontrata at ang august 26 naman ay magiging mainit at maaaring magkaroon ng sagutan o argumento sa pagitan niyong magsing irog o mag asawa.Ang magandang araw para pumirma ng kontrata o makipagkasundo ay August 28 samantalang umpisa August 27, gaganda na ang relasyong pag-ibig. Kung kayo’y nagpa plano naman ng party o pagtitipon, mas maganda itaon na lamang sa Setyembre. Iwasan ang kulay pula para kalmado ang mga emosyon. Instead, mag suot ng kulay azul para malamig ang inyong mga ulo. MAYO Hindi masyadong umaayon sa iyo ang umpisa ng linggong ito. Mag ingat sa pananalita upang hindi makasakit ng damdamin. Medyo sensitive ang mga tao sa paligid mo ngayong linggo. Sa trabaho, kapag me mainit ang ulo, umiwas nalang at wag nang makipagtalo pa. Pag maigsi ang mga pasensiya, wag nang mag kumento. Pero pagsapit ng August 27, gaganda naman ang situwasyon sa inyong bahay at relasyong pampamilya. HUNYO Umaatikabong aksiyon ang linggo na ito. Mula August 27 marami kang gagawin sa larangan ng pagsusulat, editing, pakikipag negosasyon, publicity, telecommunications, advertising at iba pang larangan ng communication arts. Maaaring babiyahe ka ng konti at iyon ang makakapag pasaya ng iyong linggo. Ang August 29 at isang 4 star day para sa iyo. Negotiate well! HULYO Kung kinakailangan mong sumulat sa iyong banko o insurance company, wag gawin ito sa august 25 at sa halip at maghintay hanggang august 29. Hindi rin maganda ang pumirma ng kahit na anong papeles. Pag tuunan di ng pansin ang isang kaibigan o kapatid sa mga araw na august 29 at 30. Bumili ng isang cake o alak upang makipag bonding naman sa mahal mo sa buhay. AGOSTO Nananahimik ka nitong mga nakaraang araw at panahon na ngayon na para kang isang paru paro na mula sa kanyang kinatataguan ay muling lalabas at magsasaya. Anuman ang itanim mo simula August 27 at magiging mabunga at maganda sa mga susunod na mga araw hanggang Setyembre. Lalabas din at lulutang ang iyong kagalingan simula sa Aug. 27. Magsuot ng dilaw upang maganda ang iyong linggo. SETYEMBRE Maging resourceful sa mga araw na ito. Huwag makuntento lamang sa kung ano ang inihahain sa inyong impormasyon o kaalaman. Mag ingat din sa mga bibitawang mga salita, at huwag mangangako ng wala sa tamang panahon para lamang matahimik ang makukulit sa umpisa ng linggo. Sa katapusan ng linggo doon lamang magsara ng kahit na anong usapin. Kung nais lumakbay sa weekend, maaari niyong gawin ito. Best days ay 29, 30 at 31. Magiging masaya ka sa inyong accomplishments. OKTUBRE Ito ang magagandang mga panahon upang lumakbay at magiging masaya ang inyong pamilya. Mag ingat lamang sa lunes at maaaring may mga panahon na di maganda ang simoy ng hangin sa ibang tao. Gunawa ng decision ukol sa bahay, property o magulang sa August 29 para sa iyong stability. Magsuot ng kulay berde upang maganda ang mga commitments o kasunduan. NOBYEMBRE Maganda ang usaping import/export gayundin ang international na usapin ngayong linggo. Anumang pag uusap ukol sa trabaho na naumpisahan ngayong buwan at magpapatuloy ng mabilis hanggang oktubre. At dahil maganda ang buwan ng agosto para sa pahinga at pasyal sa iba, konting renda at kailangan mong naka antabay sa mga pagkakataon na swerte. Magandang araw para pumirma ng kontrata ay Aug. 30. DISYEMBRE Usaping legal, kontrata at bagong application ay napakaganda sa linggong ito. Kung tutuusin nga sa araw na mga Aug 29 at 30 may napakagandang balita na darating sa iyo kaya’t hanggat maaari ay wag mawawala o kailangan nakabukas lagi ang telepono. Kung di maiiwasan at kailangan mong bumiyahe, siguraduhin mo lang nan aka on lagi ang cellphone para Makita ang importanteng mensahe tungkol sa trabaho. Magdiriwang ka sa pagpasok ng Setyembre.
Posted on: Sat, 24 Aug 2013 23:27:50 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015