ANG TAX DECLARATION AY HINDI TITULO NG LUPA AT ITO AY ISA LANG - TopicsExpress



          

ANG TAX DECLARATION AY HINDI TITULO NG LUPA AT ITO AY ISA LANG EBIDENSIYA SA PAGHAWAK NG ISANG LUPA AT HINDI SAPAT NA EBIDENSIYA NG PAGMAMAY-ARI NG ISANG LUPA. ANG PAGKAKAROON NG TAX DECLARATION KASAMA ANG PAGPOSISYON O PAG-OKUPA NG LUPA NG NAKAPANGALAN AY IMPORTANTENG EBIDENSIYA PARA MAPATITULOHAN ANG LUPA. Marami ang humihingi ng payo sa E-Lawyers Online tungkol sa pagbili ng lupa ngunit ang akala ng marami na ang "tax declaration" ay isang titulo ng lupa. Ganito ang mga katanungan nila: "Good afternoon Atty, balak ko bumili ng lupa at nakita ko na ang titulo na nakapangalan sa kanya na galing sa Assessor Office, makakasigurado ba ako na siya talaga ang may-ari ng lupa at hindi ako maloloko?" Ang titulo ng lupa ay hindi galing sa Municipal Assessor o City Assessor Office dahil hindi sila ang government agency na nag-iissue ng titulo ng lupa. Tax Declaration lamang ang nanggagaling sa Municipal Assessor o City Assessor Office. Ang Tax Declaration ay hindi titulo at hindi nangangahulugan agad ng pag-aari ng isang lupa. Ang tawag sa titulo ng lupa ay Transfer Certificate of Title na na-issue ng Registry of Deeds ng City o Province kung saan located ang lupa at ang ahensiya na ito ay under sa Land Registration Authority (LRA). Mag-ingat sa pagbili ng lupa at siguraduhin na maayos ang titulo nito at walang iba pang may-ari. Ang Transfer Certificate of Title ang siguradong ebidensiya ng pagmamay-ari ng isang lupa dahil ito ay siguradong narehistro under the Torrens System o ang sistema ng pagrerehistro ng lupa sa Pilipinas. Maraming Supreme Court decision ang nagsasabi na "Tax declarations and receipts are not conclusive evidence of ownership. At most, they constitute mere prima facie proof of ownership of the property for which taxes have been paid. In the absence of actual, public and adverse possession, the declaration of the land for tax purposes does not prove ownership." Ibig sabihin nito na ang tax declaration ay hindi siguradong ebidensiya ng pagmamay-ari ng lupa. Ang tax declaration ay hindi rin pwedeng maisangla sa banko dahil hindi ito siguradong ebidensiya ng pagmamay-ari ng lupa except kung ang pagsasanglaan ay isang rural bank. Under Rural Bank Laws, they are allowed to accept land with tax declaration as collateral under Section 6 of Rural Bank Act of 1992. While tax declarations and receipts are not conclusive evidence of ownership and do not prove title to the land, nevertheless, when coupled with actual possession, they constitute evidence of great weight and can be the basis of a claim of ownership through prescription. (Spouses Aguirre vs. Heirs of Villanueva, G.R. No. 169898, October 27, 2006) Kung gusto nyo magtanong ukol sa pagproteksiyon sa inyong sarili bago bumili ng lupa, register at my website at e-lawyersonline. Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link facebook/E.Lawyers.Online. All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.
Posted on: Tue, 27 Aug 2013 12:06:35 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015