Ang Ikalawang Sulat ni Pedro Panimula: Ang - TopicsExpress



          

Ang Ikalawang Sulat ni Pedro Panimula: Ang Ikalawang Sulat ni Pedro ay para sa maraming grupo ng mga unang mananam-palataya. Ang pangunahing layunin nito ay labanan ang mga turo ng mga huwad na guro at ang mga kasamaang ibinubunga nito. Ang kasagutan sa mga problemang itoy nasa pananatili sa tunay na kaalaman tungkol sa Diyos at sa Panginoong Jesu-Cristo na ipinapahayag ng mga nakakita kay Jesus at nakarinig sa kanyang pagtuturo. Nababahala siya, higit sa lahat, sa turo na si Cristo ay hindi na babalik. Sinasabi ni Pedro na naaantala ang pagbabalik ni Cristo dahil sa katotohanang Binibigyan pa niya ng pagkakataon ang lahat upang makapagsisi at tumalikod sa kasalanan sapagkat hindi niya nais na may mapahamak(3:9).
Posted on: Wed, 20 Nov 2013 03:28:38 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015