Ang istoryang ito ay rated SPG; Striktong Patnubay at Gabay ng - TopicsExpress



          

Ang istoryang ito ay rated SPG; Striktong Patnubay at Gabay ng Duktor ang kailangan sapagkat ang pagbasa nito ay maaaring ikamatay ng mga may mahihinang puso. Ang Isinumpa May isang binata na nakatira sa gilid ng sapa na napapalibutan ng gubat. Matipuno at makisig ang binata, mga dahilan kung bakit ang mga dalagang taga-lungsod na napapagawi doon ay nahuhulog sa kanya at ang mga ka-edad nyang binata ay napapahanga sa kanya. Ang hindi alam ng lahat, may nakatagong lihim ang binata. Tuwing kabilugan ng buwan, sya ay nag-iibang anyo. Sya ay nagiging isang mabangis na hayop na kinatatakutan sa nayon, dahilan kung bakit wala nang taong naglalakad sa mga kalsada pagsapit ng alas sais kapag bilog ang buwan. Walang nakaka-alam sa kanyang lihim kundi ang kanyang mga magulang na matatanda na. Labis ang sakit na nararamdaman ng mag-asawa tuwing na-iisip nila na kailanman ay hindi sila magkaka-apo at ni kahit umibig at ibigin ay hinding-hindi mararamdaman ng kanilang napaka-gwapong anak. Mas masakit isiping sila ang kadahilanan ng lahat. Nang binata pa ang tatay nito, kasing-kisig at guwapo rin nya ang kanyang ama, dahilan kung bakit napa-ibig sa kanya ang isang Diwata. Ngunit ng piliin ng kanyang ama ang kanyang ina, isinumpa ng Diwata ang kanilang lahi; na kahit kelan ay wala nang iibig pa sa kanila. Yan ang piniling basahin ng isang estudyante nang sinabihan syang pumili ng istorya na sa tingin nya ay mas malapit sa totoong buhay. Ang ibang titles kasi: Clean Elections: A Way to Change the Country, The Pork Barrel System is Good for the People, at Honesty and Integrity in Public Service. BOOM!!!!
Posted on: Mon, 28 Oct 2013 14:12:48 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015