BAKIT PUMAPANGIT ANG BABAE??? Para sa mga babae ang mapanatili - TopicsExpress



          

BAKIT PUMAPANGIT ANG BABAE??? Para sa mga babae ang mapanatili ang kagandahan ay numero unong importante. Kaya lang hindi namamalayan ng marami na sa halip na magpabata sa kanila ang ginagawa nilang “beauty secret” ay nakakadagdag pa ito para tumanda agad ang kanilang itsura. Anu-ano nga ba ang mga bagay na nakakapagpadagdag ng pagtanda ng iyong itsura? Narito ang ilan: Mahaba pero patay na buhok – Kung ang iyong skin o balat ay dry o natutuyot at sasabayan pa ito ng iyong mahaba at patay na buhok, walang duda na magmumukha kang matanda. Bakit hindi ka magpunta sa parlor at maghanap ng ibang style ng buhok na babagay pa rin sa’yo. Hindi naman ipinapayo na magpa-boy cut ka, pero isa sa mga hair style na uso at madaling bagayan ng mukha ay ang gupit na “layers”. Dito ay magkakaroon ng buhay ang iyong buhok at mukha. Hindi naglalagay ng “primer” – Hindi lang kotse ang dapat na nilalagyan ng “primer” bago pinturahan, maging ang mukha. Nagbibigay kasi ng mas makinis na balat sa mukha kung maglalagay ka muna ng primer bago tuluyang i-apply ang iyong make-up. Tatakpan kasi ng primer ang iyong mga fine lines sa mukha at pinoproteksiyunan nito ang iyong mukha mula sa bacteria na nakukuha mula sa alikabok. Stress – Alam natin na hindi mabuti sa katawan ang stress, kaya lang dahil minsan ay hindi mo naman maiiwasan ito, hinahayaan mo na lang ito. Kaya lang kung gusto mong mapanatili ang iyong batang itsura dapat ay pilitin mong i-relax ang sarili mo at nang hindi mai-stress. O kaya kung talagang nakaranas ka ng stress at sapat naman ang iyong budget, bakit hindi dumaan sa massage parlor para mabigyan agad ng karampatang relaxation ang iyong katawan. =CREATOR=
Posted on: Sat, 05 Oct 2013 20:15:39 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015