Balitan PNoy PNoy binastos ng HK reporters (Bernard - TopicsExpress



          

Balitan PNoy PNoy binastos ng HK reporters (Bernard Taguinod/AP) Hindi ang Pilipinas ang nag-request na bawian ng passes ang mga Hong Kong reporters na nambastos kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Bali, Indonesia kung saan dumadalo ito sa ika-21 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit. Ito ang pahayag ng Palasyo ng Malacañang sa pamamagitan ni presidential spokesman Edwin Lacierda sa press briefing kahapon kaugnay ng naging aksyon ng host country Indonesia sa mga Hong Kong reporters. Nabatid na pumapasok sa isang hotel si Aquino kasama si Peru President Ollanta Humala nang tangkain itong i- ambush interview ng isang grupo ng mga Hong Kong reporter kung saan sinisigawan ang Pangulo ng Pilipinas. Tinatanong umano ng mga reporters mula sa Now Tv, Radio Television Hong Kong at Commercioal Radio si Aquino kung makikipagkita ito sa HK chief executive upang humingi ng paumanhin sa mga pamilya ng mga biktima ng Luneta hostages. “I’m not aware if we requested it. Parang hindi naman kasi ang nag-ano po ay… Kumbaga, parang tayo ang guest, may mga bisita tayo, ang feeling po ng mga Indonesian ay nabastos ‘yung mga bisita, so ganoon po ‘yung naging decision nila,” pahayag ni Lacierda. Bagama’t sinasabi umano ng mga Hong Kong reporters na hindi pambabastos ang kanilang ginawa ay iba ang pagtingin dito ng Indonesian government kaya gumawa ang mga ito ng aksyon. Carnation
Posted on: Tue, 08 Oct 2013 04:39:31 +0000

Trending Topics




Recently Viewed Topics




© 2015