Balitang Saudi: Nagbigay ng babala ang Embahada ng Pilipinas sa - TopicsExpress



          

Balitang Saudi: Nagbigay ng babala ang Embahada ng Pilipinas sa mga OFW na nasa Saudi na mag-ingat sa mga taong nagsasabing maaari nilang makuha ang kanilang Exit Visa ng mabilis kung sila ay magbabayad ng kaukulang halaga. Sinabi ng Embahada ng Pilipinas na may mga fixers na humihingi ng kabayaran para sa mabilis na repatriation ng mga OFW sa Saudi. Gustong linawin ng embahada na tanging ahensiya lamang ng gobyerno ng Saudi ang maaaring magproseso ng lahat ng Exit visas ng mga dayuhan. Ito ay kaugnay ng maraming reklamong natatanggap ng opisina ng embahada. Hiniling nila na kung maaari lang ay kontakin lamang ang Embahada ng Pilipinas sa Riyadh at Consulate General sa Jeddah para doon sa mga taong nagnanais humingi ng tulong na makauwi ng bansang Pilipinas. Source: ABS-CBN News. Ano ba yan mga kabayan, huwag niyo namang pagsamantalahan ang kapwa niyo Pilipino, pareho na nga lang kayong nasa malayo, dapat ay maging tapat kayo sa trabaho at kapatid niyong mga Pilipino, hindi nila pinupulot lang sa kalye ang perang hinuhuthot niyo sa kanila. Kayo na sana ang magprotekta sa mga kapwa ninyo Pilipino. Magtulungan hindi magisahan...
Posted on: Thu, 26 Sep 2013 13:19:40 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015