HOROSCOPE Setyembre 6, 2013 Ni Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - TopicsExpress



          

HOROSCOPE Setyembre 6, 2013 Ni Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 6, 2013 Pagtitibay: Ang Diyos ang lahat sa akin. Hindi ako makukulangan. VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Ilang pagbabago sa trabaho ang makapagpa­palito sa iyo. Piliting matutunan ang mga pagbabagong ito para matapos na rin ang kali­tuhan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 21, 28, 35 at beige. LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Mararamdamang tila walang patutunguhan ang buhay pero hindi dapat mag-isip ng negatibo. Makakabuting maglaan ng oras para makapag-isa at suriin ang sarili kung ano ba talaga ang nangyayari at sa tingin mo ay kulang. Lucky numbers at color for the day ay 2, 11, 24, 39 at purple. SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Tiyakin na ang mga binibili ay yaong mga kailangan lamang at hindi iyong basta-basta­ na nais lamang para sa sarili. Hindi ngayon ang tamang oras para mag-aksaya ng pera. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 23, 41 at gold. SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Maglaan ng panahon sa sarili. Hindi makakabuti ang ginagawang sobrang pagpapagod. Kailangang paminsan-minsan ay lumabas nang makita ang kagandahan ng paligid at hindi laging nakakulong sa isang lugar lamang. Lucky numbers at color for the day ay 1, 10, 20, 34 at green. CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Nagbubunga na ang lahat ng pinaghi­rapan. Magiging maganda ang takbo ng buhay ngayon kaysa nitong mga nagdaang buwan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 23, 39, 45 at cannary yellow. AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Ma­natiling tapat sa minamahal. Kung may nais mang sabihin dito, huwag mangiming magsalita. Gaano man kalungkot ang mga balita, matututunan niya itong tanggapin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 21, 30 at baby pink. PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Isang dating kaklase, kaibigan o kamag-anak ang kay tagal nang nagnanais na makausap ka pero lagi mong iniiwasan. Anuman ang dahilan ng pag-iwas, makakabuting kausapin na ito. Lucky numbers at color for the day ay 3, 16, 39, 41 at cream. ARIES (Marso 21 - Abril 19) – May magandang balitang darating sa iyo. Anuman ito, isa lang ang tiyak. Isang napakagandang hinaharap ang nakatakda para sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 23, 36 at peach. TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Malaking pagbabago ang nakatakdang mangyari sa buhay. Mapagtatantong kaya palang paunlarin ang sarili sa abot ng makakaya nang hindi nakakaperwisyo sa iba. Lucky numbers at color for the day ay 5, 20, 33, 40 at royal blue. GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Alisin sa sistema ang madalas na ikatuwirang mahaba pa ang oras, dahil hindi mamamala­yan ang pagtakbo nito nang nasasayang lamang. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 31, 39 at lilac. CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Kalimutan na ang nangyari kahapon. Ang mahalaga ay ang ngayon. Isipin lagi na may mga bagay na talagang nangyayari nang taliwas sa nais. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 36 at sapphire blue. LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Malaki ang tiwala mo sa sariling ngayon na makakaya ang lahat. Tiyak na mapapagod ng husto pero hindi ito iindahin. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 25, 41 at maroon. philstar/kutob/2013/09/06/1177361/setyembre-6-2013 ~faithfully~
Posted on: Fri, 06 Sep 2013 03:08:24 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015