Hindi sana matakpan ng mga balitang kaugnay ng baha ngayon ang - TopicsExpress



          

Hindi sana matakpan ng mga balitang kaugnay ng baha ngayon ang isyu tungkol sa pork barrel scam. Dahil sa mga panahong ililihis tayo sa katotohanan, handa dapat tayong manindigan. Kasing importante ng balitang baha ang balitang pagnanakaw sa kaban ng bayan. Ang pera ng bayan ay naibili na sana ng maraming bangka sa panahon ng baha. Malaki sana ang pondo para sa lugar na nasa ilalim na ng kalamidad. Marami sana ang mabibiling relief goods. Marami ang hindi magugutom. Maaayos ang mga daan. Mareremedyuhan ang baha. Advanced na sana ang kagamitan ng PAGASA. Ngayong nabalitang bumili na ng milyong halagang tickets sa Philippine Airlines si Janet Napoles, maaaring samantalahin niya na ang pagkakataong ito.
Posted on: Mon, 19 Aug 2013 05:52:30 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015