Iparamdam mo sa kanya na siya yung pinakamagandang babae sa buong - TopicsExpress



          

Iparamdam mo sa kanya na siya yung pinakamagandang babae sa buong mundo kahit hindi naman talaga. I-surprise mo siya dahil yung mga surprise ay sobrang naaappreciate niya. Yakapin mo siya, yung mahigpit. Kahit na walang okasyon o dahilan. Dahil sa pagyakap mo, magiging komportable siya. Kantahan mo siya kahit hindi maganda yung boses mo, dahil para sa kanya, ikaw ang pinakamagaling na singer. Lutuan mo siya ng pagkain kahit na hindi ka magaling magluto. Dahil kahit hindi masarap yung luto mo, uubusin niya yun. Hawakan mo yung kamay niya kahit pasmado siya, dahil sa paraan na yun, mararamdaman niya na safe siya. Kausapin mo siya palagi kahit na wala kang maisip na topic, dahil kahit na tahimik lang kayong dalawa, nagiging masaya parin siya. Sulatan mo siya kahit hindi maganda ang sulat mo, dahil kahit lumipas ang madaming taon, itatago niya yun. Magjoke ka palagi sa kanya kahit napakakorny mo, dahil kahit gano pa kakorny ang joke mo, tatawanan niya parin yun. Kung may mga panahon na hindi kayo magkaintindihan, wag mo hayaang matapos ang araw na hindi kayo nagiging okay. Dahil hindi mo lang alam, hindi natulog yan buong gabi kakaiyak. Maging proud ka na girlfriend mo siya kahit na hindi naman siya kasing ganda ng iba. Kapag nagaaway kayo at umiiyak na siya, wag ka na magmatigas. Hawakan mo yung kamay niya at yakapin mo siya para maramdaman niya na kahit ano pang pinagdadaanan niyo, hindi ka bibitaw sa kanya. Wag kang magsabi sa kanya ng mga sweet words para lang pakiligin siya, dahil ang totoong sweet, kusang nakikita sa galaw. Ipakilala mo siya sa magulang mo at sa mga kaibigan mo. Wag mo siyang paghihintayin dahil maikli lang ang pasensya niya. Papaalalahanan mo siya palagi dahil makakalimutin siya. Wag mo siyang pagseselosohin dahil magagalit siya. Palagi kang magpaparamdam hangga’t kaya mo dahil kung hindi, mapaparanoid siya. At higit sa lahat, mahalin mo siya. Yung tapat at totoo. Mahalin mo siya na may malinis na intensyon at walang bahid na panloloko. Dahil siya yung babaeng karapat dapat mahalin. Siya yung babaeng karapat dapat sumaya.
Posted on: Thu, 22 Aug 2013 04:07:52 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015