Kahabaan ng J.P. Rizal sa Calapan, muling nagliwanag BY: LUIS T. - TopicsExpress



          

Kahabaan ng J.P. Rizal sa Calapan, muling nagliwanag BY: LUIS T. CUETO CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Nob. 18 (PIA) -- Dahil mahalaga ang kaligtasan at seguridad sa lokal na pamahalaan ng Calapan, pinagtuunan ng pansin ng pamahalaang lungsod ang pagpapailaw sa mga pampublikong lansangan partikular sa kahabaan ng J.P. Rizal St. Kaugnay nito, isinagawa kamakailan dito ang ceremonial switching ng mga bagong street lights mula sa Sto. Nino Cathedral hanggang sa barangay Tawiran na pinangunahan ni Mayor Arnan C. Panaligan kasama si Engr. Monette Geronimo, Program Head for City Infrastructures. Naglaan ng halos isang milyong piso ang pamahalaang lungsod para sa pagpapailaw ng mga naturang pampumblikong lansangan. Animnapung units ng high pressure sodium lights ang sabay-sabay na pinailaw sa kahabaan ng nabanggit na kalsada. Ang pagsasaayos ng mga imprastraktura ng lungsod tulad ng isinagawang pagpapailaw ay kaakibat din ng hakbangin ng pamunuan ni Panaligan na mapasigla pa at mapayabong ang sektor ng pagnenegosyo, gayundin ng turismo ng lungsod. Naniniwala si Panaligan na sa pamamagitan ng mas maliwanag at mas ligtas na mga kalye, makahihikayat ng mga mamumuhunan sa lungsod na isang tulong at oportunidad din upang makapagbigay ng trabaho sa mga Calapeño. Sa kabuuan, aabot nang 122 units ang magagamit sa pagsasagawa nito na sisimulan na ngayong buwan (LBR/CIO/LTC/PIA4B/Calapan City)
Posted on: Mon, 18 Nov 2013 02:56:28 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015