Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may isang - TopicsExpress



          

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may isang pinay Overseas Filipino Worker (OFW) ang natagpuang patay sa Cairo, Egypt. Sinabi ni DFA Spokesperson Raul Hernandez na nakasilid sa maleta at itinapon sa basurahan ang hindi pa nakikilalang biktima nang matagpuan sa Nasr City noong Agosto 17. Hirap naman ang mga awtoridad na makilala ang bangkay dahil naaagnas na ito nang makita. Patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ang embahada ng Pilipinas sa Cairo upang makilala ang bangkay. Report from Henry Atuelan, Radyo Patrol 44
Posted on: Wed, 21 Aug 2013 14:14:13 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015