MANILA, Philippines – Itinaas na ang public storm warning signal - TopicsExpress



          

MANILA, Philippines – Itinaas na ang public storm warning signal number 3 sa anim na lugar sa Visayas at Mindanao dahil sa paglapit ng bagyong “Yolanda,” ayon sa state weather bureau ngayong Huwebes. Namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mata ng bagyo sa 637 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur o 738 kilometro timog-silangan ng Guiuan, Eastern Samar kaninang alas-10 ng umaga. Napanatili ni Yolanda ang lakas nito na 215 kilometers per hour at bugsong aabot sa 250 kph, habang gumagalaw sa pa-kanluran hilaga-kanluran sa bilis na 30 kph. Inaasahang tatama sa kalupaan ng Guiuan, Eastern Samar ang bagyo bukas ng umaga sa pagitan ng alas-9 at alas-10 ng umaga. Tinatayang daraanan ng bagyo ang probinsya ng Samar, Leyte, at Palawan bago lumabas ng bansa sa Sabado ng umaga. Yolanda, after hitting Guiuan, is expected to traverse the provinces of Leyte, Biliran, Northern tip of Cebu, Iloilo, Capiz, Aklan, Romblon, Semirara Island, Southern part of Mindoro then Busuanga and will exit the Philippine landmass (Saturday Morning) towards the West Philippine Sea, pahayag ng PAGASA. PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: Nakataas ang public storm warning Signal No. 3 sa mga sumusunod na lugar: Eastern Samar Samar Leyte Southern Leyte Siargao Island Dinagat Province Public storm warning Signal No. 2: Masbate Ticao Island Northern Samar Biliran Province Bantayan Camotes Islands Northern Cebu Cebu City Bohol Surigao Del Norte Camiguin Surigao Del Sur Agusan Del Norte Public storm Signal No. 1: Camarines Norte Camarines Sur Catanduanes Albay Mindoro provinces Burias Island Romblon Marinduque Calamian Group of Island Southern Quezon Aklan Capiz Iloilo Antique Guimaras Negros Occidental Negros Oriental Rest of Cebu Siquijor Misamis Oriental Agusan del Sur Makakaranas ng malakas hanggang matinding buhos ng ulan ang daraanan ng bagyo na nasa loob ng 600 kilometer dimater ng bagyo. Naka full alert na ang lahat ng sangay ng National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa buong bansa.
Posted on: Thu, 07 Nov 2013 07:07:15 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015