Mga residenteng apektado ng girian ng MILF at armadong sibilyan sa - TopicsExpress



          

Mga residenteng apektado ng girian ng MILF at armadong sibilyan sa Tulunan, North Cotabato; pinapabalik na KIDAPAWAN CITY-Aminado ngayon si Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza na maibabalik na sa normal na sitwasyon ang kalagayan ng mga residente sa Brgy. Maybula, Tulunan, Cotabato matapos ang deployment ng Task Force Barko-barko. Pinangunahan ng opisyal ang Send Off Ceremony kasama ang Regional Joint Peace and Security Coordinating Committee XII, GPH-MILF Ceasefire Committee, militar, pulisya at mga lokal opisyal. Nabatid na halos isang buwan din umanong nagsilikas ang daan-daang mga sibilyan mula sa sitio Barko-barko na sakop ng brgy. Maybula sa bayan ng Tulunan matapos na muling sumiklab ang sagupaan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) 109TH Base Command at pangkat ng mga magsasakang armado na layon lamang ay protektahan ang kanilang mga pananim at alagang hayop sa lugar. Ang pinag-ugatan ng girian ay isinisi kasi ng gobernadora sa ilang ahensiya ng gobyerno, ito makaraang mag-isyu ng Certificates of Land Ownership Awards (CLOAs) ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa tatlong lalawigan na umaangkin sa nasabing lugar. Ito ang tri-boundaries ng Maguindanao, North Cotabato, at Sultan Kudarat. Umaasa naman ang mga mamamayan sa lugar na sa pamamagitan ng Joint Task Force Barko ay maibsan kung di man tuluyang matuldukan ang tensyon habang inilalatag ang pangmatagalang solusyon sa nasabing problema. Kaugnay nito, sa kanyang mensahe, sinabi ni B/Gen Cesar Sedillo Chairman ng GPH-Coordinating Committee on Cessation of Hostilities (CCCH) na ipinauubuya na ngayon ng pamahalaan sa DOJ ang nasabing problema. Tinukoy pa nito na ang land conflict ay seryosong usapin na dapat ay idaan sa legal na proseso . Dinagdag ni Sedillo na ang pagpasok ng militar sa inaangking teritoryo ng MILF ay di dapat bigyan ng malisya, ito dahil ang JTF ay magbabantay lamang sa lugar at walang kinakampihan. (Bombo Garry Fuerzas)
Posted on: Wed, 26 Jun 2013 07:21:14 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015