Military Detachment sa Midsayap NCot,inatake ng BIFM. Magkasunod - TopicsExpress



          

Military Detachment sa Midsayap NCot,inatake ng BIFM. Magkasunod na inatake ng pinaniniwalaang mga miembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement ang dalawang military detachment sa Midsayap, North Cotabato. Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Spokesman Colonel Dickson Hermoso, unang hinarass ng mga armado ang detachment ng 40th IB sa Sitio Tampad, Barangay Ulandang. Aniya, tumagal ng halos isa at kalahating oras ang palitan ng putok. Makalipas lamang ang ilang minuto, inatake din ng mga armado ang army detachment sa Barangay Nabalawag, Midsayap, North Cotabato. Sugatan sa engkwentro ang isang sibilyan na si Allan Dimatingkal at ngayon ay nagpapagamot na sa ospital. Pinaniniwalaang ang naturang grupo ay pinamumunuan ng isang kumander D.M. ng BIFM. Narekober ng mga pulis at sundalo sa inatakeng army detachment ang isang Improvised Explosive Device at isang bala ng RPG. Patuloy pang iniimbestigahan ngayon ng militar at pulisya ang magkakasunod na panghaharass.(Bombo Garry Fuerzas)
Posted on: Tue, 25 Jun 2013 07:55:09 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015