NBSB ako. Nakakahiya, pero mas nakakaasar, na sa halos dalawang - TopicsExpress



          

NBSB ako. Nakakahiya, pero mas nakakaasar, na sa halos dalawang dekada ko na dito eh wala pa akong ma-jowa-jowa. Puro crush lang. Hanggang dun nalang ako palagi. Eto nalang palagi kong pinoproblema, imbis na mas problemahin ko acads ko. Sa totoo lang, ang babaw babaw ng problema ko. Pero sa lahat ng pwedeng katakutan ng isang normal na babae (ie. ipis, daga, ahad, butiki, etc.), bukod sa horror movies, isang bagay lang talaga kinakatakutan ko - ang tumandang dalaga. Hindi ko alam kung bakit sa edad kong ito eh yun na agad pinoproblema ko, napakaaga pa para i-conclude ang tadhana ko, at tsaka, sino ba naman ako? Akala ko nung elementary magkakaron na ako ng boyfriend once na makatapak ako ng HS since malaki rin yung alma mater ko. Pero wala. Crush-crush lang, ganun. Akala ko nung highschool, magkaka-boyfriend nako sa college. Pero nganga padin. Puro crush padin. Ngayon, naaalarma nako, wala nakong maisip kung kailan at saan yan mangyayari. Pero masama parin talaga ipilit ang bagay na di nararapat mapasayo. Acads-wise, okay naman standing ko. Kaya nag-focus ako ng kaunti sa pag-aayos ng sarili ko. Kung nung Freshie, iisang beses lang ako mag-polbo ng Johnsons, ngayon naka-compact powder nako tho once a day lang din halos nagagamit. Imbis na plain tshirt shirt, halos blouse na yung mga sinusuot ko pampasok. Mula tsinelas hanggang sa dollshoes at sneakers na. Etc. Madami sa mga kaibigan ko ang nakapansin ng pagbabago ko physically. Kaso, yung proper manners ng pagiging babae ang problema (Oo, may ganito pala). Edi ayan, mukha na akong medyo dalaga, may encounter ako with crush, Boom!, back to zero tayo nyan. Edi ako naman si hapit magbasa ng articles kung ano ang dapat sabihin/response kay crush sa mga simpleng sitwasyon. Pero wala talaga e. Lahat yun, burado. Hiindi ako name-mental block sa exams, dito lang. Susmaryosep. Hanggang ngayon, may self-destruct button padin akong nakakapit sa puso ko, corny man pero, sa tingin ko naa-activate sya pag sobrang bilis na ng tibok.. Hanggang sa huli kong crush, nito pang Freshie yung, naaawa ako sa mga sinabi ko at nagawa ko. Pag magka-chat/text tayo, tuwing gabi lang, bago ako matulog, saka ko nari-realize kung gaano ka-tanga yung mga reply ko sayo. Na itinataboy na pala kita with half of my consent. Can someone teach me how to become a Woman. :( Sorry na. Sorry sa inyo. Ang hirap kong maka-getover sa mga crush ko, mind you, umaabot ng taon bago ako makahanap uli ng bagong crush. Isa rin to sa mga rason kaya gusto ko happycrush lang, yung tipong masaya ka na makasalubong mo lang sya sa campus. Ayaw ko na ng magiging ka-text/ka-chat. Mas nakaka-drain kesa nakaka-inspire eh. Sa ngayon, hindi na yata ako kinikilig. Anak ng. Kahit ipabasa nyo pa sakin pinakanakakakilig na novel/pocketbook, ipapanood ang pinaka-romantic na movie/series, WALEY! Nakakahiya, pero mas nakakaasar, di ba? Nakakapagod din. Nagmamahal, - Ngunit NBSB padin, CAS, 201*-*****
Posted on: Fri, 01 Nov 2013 03:14:03 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015